Wednesday, November 25, 2009

hear ye! hear ye!

Oct 17. Hindi pa ako delayed pero excited na akong mag-pregnancy test, bakit bawal ba?! Siyempre, as usual, nalilito pa din ako sa resulta.
Oct 18. Dahil nga atat ako, nag-test na naman ako, nakakalito pa din. Gimik ba talaga ‘to ng mga pabrikang gumagawa ng home pregnancy kit?
Oct 19. Delayed na pero pass muna, huwag ko naman daw araw-arawin sabi ng aking butihing kaibigan.
Oct 20. Pass muna ulit. Bukas na lang para sure na sure na.
Oct 21. O ayan ha, 3 days delayed na. Ganun pa din ang resulta, isang malinaw na linya at isang malabong linya. Nabasa ko naman na mas mataas ang probability na positive ‘yun kesa negative. Kaya go na kami ni Irvin sa OB sa Divine Grace. Nagpa-laboratory muna ko, “POSITIVE” na!

Opo, buntis po ako :D

Ngayon, nasa 9 weeks na ako at kasinlaki na siya ng grape. (Irvin says: Wow, anlaki-laki na ng anak ko! FYI, ganyan din ang sinabi nya nu’ng kasinlaki na ng sesame seed ang baby namin.)


Medyo mabigat sa loob ni Kishie, 3-year old pamangkin ni Irvin, ang tanggapin na magkakaroon ng bagong baby kaya nakakatuwa nu’ng isang araw bigla na lang siyang bumulong sa akin na “Ate na ako!”

Si Lex, kahit malayo, feel ko ang pag-welcome nya. Nang tanungin kung ano ang gusto nyang cousin, baby boy ba or girl, “Ahm…baby boy…tsaka girl!”

Muli nagpapasalamat ako sa mga nag-congratulate sa akin, sa mga nagpaalala na ingatan ko na ito, sa mga mothers na nagbibigay ng motherly advice at sa mga masasaya dahil magkaka-baby na kami. And to you, Bro, thank you for giving us another chance to care for someone whose more valuable than ourselves.

Please, please pray for my safe pregnancy.

And Bro, Ikaw na ang bahala sa amin.

the weekend that was oct 31-nov 1: overdue

Saturday. Rest lang throughout the day since alam ko mapapagod ako ng Saturday night at Sunday. I was not able to meet up with my friends sa SM pero natuloy naman ang videoke session, minus Sarah nga lang. Woohoo! Ang sarap talagang pagsamahin at kainan at kantahan.

Sunday. Araw ng mga Patay. Maaga kaming pumunta sa Love Memorial Park then dumiretso ng Naic para makipag-meet sa mga pinsan ko at makikain pero hindi na kami sumama ni Irvin sa sementeryo. Umuwi na din kami sa Rosario. Then pumunta naman kami nila Tatay sa aking balikbayan tita, kay Nanay Medoy, para tingnan ‘yung bahay nila at konting chika. Uwi ng Tanza at rest na kasi may pasok bukas kahit holiday :(

Friday, November 20, 2009

meron bang miss your family day?

Andito pa ako sa opisina, kasalukuyang nagba-blog pero dapat nagtatrabaho. Ewan ko, bigla lang akong nawalan ng gana. Buong araw akong nasa training at habang nasa training, naiisip ko na ang mga kailangan kong gawin pagkatapos. Stressed? Malamang.

Kakababa ko lang ng phone, nakausap ko si Tatay. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nag-senti. Tumatawa habang umiiyak at umiiyak habang tumatawa…ng mag-isa. Hindi ko kasi alam kung nauna ba ang luha o ang saya.

Ako: Hello! Tay! Anu nah?
Tatay: Ano ba?! Kanina pa kami tawag ng tawag dyan ng Nanay mo.
Ako: E di ba tumawag na nga si Irvin na nasa training ako buong araw…
Tatay: E kaninang umaga pa ‘yun e.
Ako: E kadadating ko lang nga sa pwesto ko.
Tatay: Kadadating lang…’asan ka na ba? Tanza?
Ako: Hinde, dito nga lang sa pwesto ko. Andito pa ko sa office.
Tatay: Ano??? Hindi ka na dapat nag-o-OT e!
Ako: E kailangan e.
Tatay: E ano, saan ba kayo uuwe?
Ako: Dyan kami uuwi.
Tatay: A-yos! Ako ang nagtimpla ng manok e.
Ako: E baket, masarap ba ‘pag kayo nagtimpla?
Tatay: Siyempre, eto nga’ng nanay mo hindi pa binibitawan ‘tong manok hanggang ngayon e!
Nanay: (inaudible side comments)
Tatay: O sige na, sabihin mo kay Irvin dahan-dahan ha. At ikaw din, ‘wag kang magpapakapagod!
Ako: Oke! Babay!

Nothing special, normal na naming pag-uusap ‘yan.

Pero bigla na lang akong naiyak. Siguro, palagi ko lang silang nami-miss. Khit every weekend naman kaming magkasama. With them, talagang hindi enough na weekend lang kami nagkikita. At kaya naiintindihan ko kung bakit nalulungkot sila kapag nababawasan pa ang pagtigil ko sa kanila ng dalawang araw.

Nami-miss ko din ang ate ko at ang mga pamangkin ko. Two days from now would mean two years ko na silang hindi nakikita. Lumaki na ang mga pamangkin ko, pati ang katawan ni Ate at ni Norly, lumaki na din. Madami na ang nagbago. Kaya bawat chat at tawag namin nagsisimula sa “O ano’ng bago?”

National Miss Your Family Day ba today?

O inaatake lang talaga ako ng kaartehan?

Wednesday, November 11, 2009

this is it!

Two days before it is being pulled out of theaters, Irvin and I watched This Is It last night. Again, we were mesmerized by his timeless moves and his dazzling voice. We can’t help but sigh over his should-have-been performance for his 50 already-sold-out-concerts. It would have been another history for the music industry.

“It's an adventure. It's a great adventure. We want to take them places that they've never been before. We want to show them talent like they've never seen before.” - Michael Jackson

Michael Jackson
King of Pop
Love Lives Forever

Tuesday, November 10, 2009

thought for today

Thanks Bernadette!



Monday, November 2, 2009

the weekend that was oct 24-25: overdue

Just the usual Saturday.

Sunday. We held a bridal shower for Sarah. Medyo bad trip na ko dahil late na kami nakapagsimula, at bad trip na din si Irvin dahil bad trip ako hehehe. Ayun, kainan, games, video presentation, gifts at picturetaking!


the weekend that was oct 16-18: overdue

Friday. Nag-leave ako dahil for quite a while ay may nararamdaman akong masama, alam ko UTI ‘yun pero I have to be sure kung galing pa din sa kidney stones ko. Ni-refer ako nung kapitbahay namin sa isang doctor sa Korea-Phil Friendship Hospital sa Trece. After waiting for 2 hours, pagpapa-laboratory at lunch, dumating din ang doktor. Tama ako, a very bad case of UTI pero hindi na galing sa kidney stones. Bago nya ako bigyan ng gamot, nagbigay na ako ng disclaimer that I might be pregnant. Nagpa-laboratory ulit ako, negative. Niresetahan na nya ako ng strong na gamot, but being the paranoid that I am, hindi muna ako bumili. I just have to be sure.

After sa hospital, nag-SM Dasma muna kami ni Irvin habang hinihintay si Agnes. Magmi-meet kami para sa birthday ng Mama ni Sarah. So ayun, kain at gala lang kami. Hehehe. Pagdating ni Nes, dinaanan lang si Ate Sarah then punta na kila Sarah.

Ok naman, chicha at chika. Binigay na sa amin ang invitation. This is it.

Uwian na. Pagod na ako.

Saturday. Sale! Aga namin nasa SM para makaiwas sa buhos ng tao. Ang ending - nag-grocery lang kami. Wala ding nabili. Uwi na din. The usual Saturday except nung gabi. My gulay, mga 11 PM na un nung umalis kami sa bahay para pumunta sa Cavite City para sumalubong kay Mhay. Yey! Di naman masyado excited di ba? Nasa amin na si Baby Nayks, wow! (‘Yun nga lang naiwan pa sa US ung manual. Tsk tsk tsk. Hehehe.)

Sunday. Just the usual Sunday. Chat with Ate. And bumalik lang kami sa SM pra bumili ng 4-GB SD card for Baby Nayks.

 
Template by suckmylolly.com