Bawat nanay, may kanya-kanyang kwento tungkol sa pagbubuntis at panganganak sa bawat anak nya. Ako, siyempre, meron din (nanay na din ako e!).
2 weeks before my due date, nag-leave na ako sa trabaho. Kung ako ang tatanungin, gusto ko pa sanang pumasok dahil workaholic ako e...joke, dahil kaya ko pa naman. Pero dahil sa dami ng nagsasabi sa akin ng: Huh? Ba't nandito ka pa, Elay? Dapat mag-leave ka na at baka abutin ka dito...nakakarindi na din. Bakit ba kasi marunong pa sila sa akin?! Hehehe! At si Irvin, natatakot na din na abutin ako sa Makati ng pagsakit ng tiyan, baka dalhin ako sa Makati Med e siguradong hindi lang labor at delivery room ang pagbabayaran namin doon, baka ma-ICU pa ako sa mahal ng bill. Alam ko naman na hindi katulad sa mga movies na tipong laging emergency ang panganganak at nagbilin na ako sa officemate ko (na may kotse) na iuwi nya ako sa Cavite kung kakailanganin ng pagkakataon. Pero sige na nga, pagbigyan na sila, huwag lang na may pagsisihan pa o sisihin pa ako later on.
Ano'ng ginawa ko sa 2 weeks? Matulog, magbasa, mag-internet, mag-elliptical at maglakad sa SM Rosario, SM Bacoor at MOA. Sa bawat check-up, inaabangan ko kung ilang cm na ako, only to find out na hindi pa pala open ang cervix ko at mataas pa siya. Araw-araw ang mental torture at gabi-gabi ang puyat.
Dumating si due date, wala pang senyales na lalabas na siya kaya in-"strip" na ako (ito 'yung io-open ang cervix). Ayun, 1 cm na. Dapat daw magtuluy-tuloy na. Nagbilin na si Doktora ng mga warning signs at to do's. This is it na yata talaga.
July 1. 4 days past my due date. Maaga akong nagising, pero nothing extraordinary. Nagsawa na kasi ako sa pagtatanong ng "Is today the day?" kaya handa na ako sa "just another day". Kakaalis lang ni Irvin at nakahiga pa ako. Around 8 am, I thought I heard a "popping" sound tapos biglang may lumabas sa akin. Dali-dali akong kumuha ng sanitary napkin at nagtakbo sa banyo. (Pasintabi po: medyo graphic ang description.) My sticky discharge with streak of blood sa underwear ko. Hmmm...so...ahm...okey, pwede bang mag-panic muna? Hehehe, joke! Paglabas ng banyo, nakasalubong ko si MIL at sinabi ko na parang pumutok na ang water bag ko (hindi ako sure e). Nagtext ako sa officemate ko. Pinauwi ko si Irvin (na kadarating lang sa office). Tinawagan ko si Nanay. Pumasok ako ng kwarto, huminga ng malalim, nagdasal, naghanap ng magandang underwear (as advised by my officemate) at damit, naligo, nagbihis. Dumating na si Irvin na mukhang mas ngarag pa kaysa sa akin. Tinawagan ko si Doktora at pinapunta na nya ako sa ospital.
Dahil hindi pa ako nagbe-breakfast, nag-drive thru muna kami sa McDo. (Aba, siyempre, hindi ko sure kung kelan ang next meal ko kaya pagkain ang inuna ko!) On the way to the hospital, nagtext na ako sa mga dapat i-text. Nakausap ko din 'yung friend ko na doctor.
Past 10 ng dumating kami sa ospital. Dahil kalmado naman ako ay nakuha ko pang ilahad ang pangyayari nu'ng umagang 'yun (except 'yung McDo, baka mainggit pa sila e).Ini-stress ko na hindi madami 'yung lumabas sa akin kaya hindi ko sigurado na pumutok na ang water bag ko. In-IE ako nu'ng doktor sa ER. May water pa naman sa water bag ko at 2-3 cm pa lang ang opening ng cervix ko. (2-3 cm pa lang ako? What the?! The day before ay nanggaling pa ako sa 1-day sale for SM Advantage cardholders at halos 3 times kong nilibot ang buong SM Bacoor, tapos 1 cm lang ang nadagdag?!) Nilagyan na ako ng dextrose at pampahilab (oxytocin), pinagsuot na ako ng hospital gown at adult diapers, at dahil hihintayin pa ang dilation ng cervix ko, pinadala muna ako sa private room.
So ayan, okey pa naman. Bihira lang ang contractions at hindi naman ako nasasaktan. Nu'ng una, hindi ako pinaglalakad dahil nga pumutok na ang water bag ko. Pero later on, pinaglakad na din ako dahil hindi pa naman pala talagang pumutok, nag-leak lang. From time to time ay may pumupuntang nurses (and nursing students) para i-check ako (at pag-aralan). Uy mabait ako ha, very accomodating ako sa kanila. Dumating ang nanay at tatay ko kaya umalis muna si Irvin para bumili ng mga kailangan pa like Wilkins at S-26 (infant formula). At dahil mukhang hindi pa naman ako manganganak, umuwi muna sila. Dumating din si MIL with Kishie, pero umuwi din after a few hours. Binisita na din ako ni Doktora.
Lumilipas ang oras, unti-unti kong nararamdaman ang sakit ng contractions. How do I describe it ba? Hmmm...ang masasabi ko lang ay...it's indescribable :) Basta ang natatandaan ko, sakit ng likod ang inirereklamo ko, 'yung parang super ngalay na gusto kong dumapa at padaganan ang likod ko.
At 3 PM, in-IE ulit ako. Ang nasa isip ko, "Nasa 5-6 cm na siguro ako." But guess what? (O guess muna ha!) 3 cm pa lang ako! Pffft! Mabagal nga daw ang progress ng labor ko :( So ayun, sige lang. Tik-tak. Tik-tak. Tik-tak. Toe. :P
At 5 PM, biglang may sudden gush of wetness. Pumutok na ang water bag ko (totoo na ito this time). At simula noon, naging mas malimit (although irregular ang interval) at mas masakit ang contractions. Dumating si Nanay at sila ni Irvin ang naging saksi ng kung anuman ang pinagdaanan ko ng gabing 'yon. Ang smiles, unti-unting napalitan ng aray. Ang jokes, unti-unting napalitan ng luha.
Hindi ko alam pero nabibilisan ako sa oras ng panahong 'yon.
Unti-unting nag-progress ang labor ko. At 8 PM, nasa 7-8 cm na ako. And at 9 PM, dahil nasa 8 cm na ako, ipinasya nang dalhin ako sa labor room. (Ni-remind ko si Irvin na huwag kalimutan ang camera. Mahalaga 'yun.) Pinagtulung-tulungan akong buhat-buhatin at ilipat-lipat ng kama ng tatlong tauhan ng ospital. Pagdating sa labor room, isang nurse lang ang naroon kaya nag-chikahan na lang kami. Tinuruan nya ako ng breathing techniques at nagtanong-tanong ako about sa mga karanasan nya sa mga nagle-labor sa kwartong 'yon. Tinatawag ko siya tuwing may contractions dahil kailangan nyang makuha ang interval at duration. Maya-maya ay dumating na si Doktora, in-advise nya ako na by 11 PM ay over and done na ang lahat ng paghihirap ko dahil by that time ay 10 CM na ako (fully dilated) dahil ang average is 1 hour ang dilation per cm.
Masasabi kong ang next 2 hours na ang pinakamahirap na physical pain na naranasan ko sa buong buhay ko. Proud ako na naging kalmado ako ng mga oras na 'yon, hindi ako nagtatatarang o nagwala katulad ng mga nasa movies. Nakakahiya kaya! Hehehe! In between contractions ay sinusubukan kong kalimutan ang pinagdadaanan ko sa pamamagitan ng pahinga at pakikipag-usap kay Doktora (sinabi ko sa kanya na naghihintay na ang mga chocolates ko sa akin at ang plano kong magpa-massage after). Lumipas ang oras, ilang dasal at ilang IE. Tinanong ako ni Doktora kung gusto kong magpa-epidural (ito 'yung mararamdaman mo ang contractions, pero hindi ang pain), mas mahal lang daw. Hmmm...isip isip...tumanggi ako (tapang ko 'no?). Tumanggi ako dahil alam kong kakayanin ko pa, naka-8 CM na ako, ngayon pa ba naman ako bibitaw? (At lagi akong constipated kaya sanay na akong umire hahaha!)
10 PM...10:30 PM...11 PM. Nu'ng in-IE ako, walang progress, 8 CM pa din at nagsisimula na daw humaba ang ulo ng baby. Tinanong nya ako kung gusto ko na bang magpa-CS.
With hesitation, I agreed. Tinanggap ko na din na I failed. The one thing that I prayed for while I was pregnant ay 'yung hindi ako dumanas ng parehong labor at CS sa isang anakan. Pero okey lang 'yon dahil ayoko namang mag-take chances pa sa normal delivery dahil alam kong stressed din ang baby sa loob.
Ipinatawag ni Doktora si Irvin na nasa labas lang ng labor room. Inilahad ang mga pangyayari (parang sa korte) at sinabi din na it might be time para sa CS operation. Nakikinig naman si Irvin at nag-agree na din siya (with hesitation din). Hindi ko na maalala kung ano ang pinagsasasabi ko n'un, basta alam ko nakikipagbiruan pa ako kay Doktora. Sabi ni Doktora kay Irvin, "Ganyan lang 'yan pero tingnan mo kapag humilab, iba na ang iyak." Tila sinadya naman ng pagkakataon na humilab, habang naroon si Irvin! Uh-oh! Hindi ko alam kung paano ang iyak ko noon pero pinagtatawanan ako ni Irvin habang ginagaya nya ako ng ganito: Doktora, ayan na naman...AAAAAAAAAAHHHHH!
Inihanda na ako sa operation, ipinatawag na ang anesthesiologist at ibinaba na ako sa delivery room. Natawa pa ako sa isang nagbuhat sa akin at nagtulak ng hospital bed. Nu'ng sinabi ko na "Kuya, dahan-dahan naman..." Sabi nya, "Aaaaay, hindi po ako kuya...ate po ako!" Susmaryosep, sorry girl! Hahaha!
Pagdating sa delivery room, inilipat ako ng bed at inihanda na para saksakan ng anesthesia. Dahil alam kong pwede naman akong gising during the operation, tinanong ko 'yung nurse kung ano 'yung isasaksak nya sa akin.
Me: Ahm...Nurse, ano 'yan?
Nurse: Sedative po.
Me: Ay, miss...gusto ko sana gising ako during the operation...
Nurse: Aantukin lang po kayo dito, pero hindi po kayo makakatulog.
Me: Ah okay.
(Hmmm...hindi ba kapag inaantok ka e gusto mong matulog?! Labo naman oh!)
Pumikit muna ako, nakakapagod kayang umire ng ilang oras 'no!
Sa pagmulat ng mata ko...
Me: Nurse, ano'ng oras na?
Nurse: 1:36 po.
Me: Tsk! Ano ba 'yan, inabot pa ako ng July 2!
Nurse: Ma'am, baby out na po ng 11:39.
Confused. Shocked. Sad. Pero tulog ulit.
My goodness, natapos na pala ang operation ng hindi ko man lang namalayan. Kasalanan nu'ng nurse, hindi daw ako makakatulog. E parang ilang seconds lang after nya ako saksakan e humihilik na ako.
Namalayan ko nu'ng dinala ako sa private room. Alam kong andun si Nanay, Tatay at Irvin. Sabi ni Irvin, ang kulit ko daw at ayaw kong pauwiin sila Nanay. Pero hindi ko 'yun matandaan. Ang natandaan ko ay nu'ng sinabi ni Nanay, with matching tears, na bayad na daw ako. (Di ba ganun daw, makakabayad lang ang anak sa magulang kapag nagkaanak na din siya.)
Maaga akong nagising. Siyempre in-announce ko na muna sa whole wide world that I am over and done sa delivery. I have received a lot of congratulations and well wishes.
The first time I saw him, sa mga kuha sa digicam, medyo disappointed ako. Pero inalala ko 'yung mga nabasa ko. Iba daw talaga ang itsura ng newborn. I have to see the real him.
Sadly, hindi pa pwedeng i-room in sa akin dahil I have to be able to move na...na hindi ko pa magawa dahil sa mga sakit sa buong katawan ko. Maghapon akong nakahilata. Isang pwesto lang. Ine-encourage ako ng mga nurse na gumalaw, not exactly maglakad, pero tumagilid-tagilid daw ako dapat. E ang sakit kaya! Sila kaya i-CS ko :P Tpos bawal pa kumain :( Kawawa naman 'yung mga chocolates ko sa ref. Bawal din magsalita para hindi kabagan. Parusa talaga. Pero minsan nakakalimutan ko na bawal magsalita. Dumalaw sila Agnes at Tan, Dinay at Gege, si Arvie, si Ate Andrea with Chloi, at mga in-laws ko, with Kishie.
Si Irvin pumupunta sa nursery para tingnan siya. At si Tatay, akala ko mahihimatay pa dahil napakagwapo daw ng apo nya, mas gwapo pa kay Cayon (pamangkin ko). Kaya ang tanong ko: Talaga? (Kasi super pogi ni Cayon nu'ng pinanganak e...nu'ng pinanganak lang hahaha!) Pagkakita nya, dali-daling umalis para sabihin kay Nanay at kay Ate.
That night, pinayagan akong kumain ng Skyflakes at tea.
Saturday ng mga 3 AM. Tinanong ng nurse kung nag-wiwi na ako dahil dapat pala by that time ay naka-wiwi na ako. So nu'ng oras ding 'yon, naging determined akong maglakad, with lots of encouragement at support kay Irvin kahit puyat na puyat pa siya. Grabe, parusa talaga. Mga 20 minutes ko ding kinarir ang pagpunta ng CR. Tinanong din ni nurse kung umutot at nag-poopoo na ako. 'Yan pala ang requirements para masabing okey na ako, at para mai-room-in na siya sa akin. So kinarir ko na naman pareho. After an hour, at ilang patagi-tagilid, nakautot na ako. (Yehey! Pwede na kumain, soft diet nga lang.) After another hour, nag-poopoo na ako. (Woot woot!)
As promised, dinala siya sa akin ng Saturday morning. (I remembered, that night, tinawag pa namin 'yung nurse dahil hindi namin mapatahan. Ilang minuto din akong nag-hum ng Silent Night bago na-pacify.)
My reaction? Hmmm...honestly, parang wala lang. Parang hindi ako makapaniwala na galing siya sa akin. Hanggang sa unti-unting nag-sink in sa akin. Eto na pala ang fruit of my labor, my own piglet, my little angel.
My Baby Rian.
I thank you, bow.
Haaay, salamat. Nai-publish din!
Are you ready to tie the knot?
6 years ago