Andito pa ako sa opisina, kasalukuyang nagba-blog pero dapat nagtatrabaho. Ewan ko, bigla lang akong nawalan ng gana. Buong araw akong nasa training at habang nasa training, naiisip ko na ang mga kailangan kong gawin pagkatapos. Stressed? Malamang.
Kakababa ko lang ng phone, nakausap ko si Tatay. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nag-senti. Tumatawa habang umiiyak at umiiyak habang tumatawa…ng mag-isa. Hindi ko kasi alam kung nauna ba ang luha o ang saya.
Ako: Hello! Tay! Anu nah?
Tatay: Ano ba?! Kanina pa kami tawag ng tawag dyan ng Nanay mo.
Ako: E di ba tumawag na nga si Irvin na nasa training ako buong araw…
Tatay: E kaninang umaga pa ‘yun e.
Ako: E kadadating ko lang nga sa pwesto ko.
Tatay: Kadadating lang…’asan ka na ba? Tanza?
Ako: Hinde, dito nga lang sa pwesto ko. Andito pa ko sa office.
Tatay: Ano??? Hindi ka na dapat nag-o-OT e!
Ako: E kailangan e.
Tatay: E ano, saan ba kayo uuwe?
Ako: Dyan kami uuwi.
Tatay: A-yos! Ako ang nagtimpla ng manok e.
Ako: E baket, masarap ba ‘pag kayo nagtimpla?
Tatay: Siyempre, eto nga’ng nanay mo hindi pa binibitawan ‘tong manok hanggang ngayon e!
Nanay: (inaudible side comments)
Tatay: O sige na, sabihin mo kay Irvin dahan-dahan ha. At ikaw din, ‘wag kang magpapakapagod!
Ako: Oke! Babay!
Nothing special, normal na naming pag-uusap ‘yan.
Pero bigla na lang akong naiyak. Siguro, palagi ko lang silang nami-miss. Khit every weekend naman kaming magkasama. With them, talagang hindi enough na weekend lang kami nagkikita. At kaya naiintindihan ko kung bakit nalulungkot sila kapag nababawasan pa ang pagtigil ko sa kanila ng dalawang araw.
Nami-miss ko din ang ate ko at ang mga pamangkin ko. Two days from now would mean two years ko na silang hindi nakikita. Lumaki na ang mga pamangkin ko, pati ang katawan ni Ate at ni Norly, lumaki na din. Madami na ang nagbago. Kaya bawat chat at tawag namin nagsisimula sa “O ano’ng bago?”
National Miss Your Family Day ba today?
O inaatake lang talaga ako ng kaartehan?
Are you ready to tie the knot?
6 years ago
5 comments:
Hi Enelie,
I just enjoyed reading your blog.
Sweet blog about your family. You have a warm and loving relationship with them. My parents are gone
but I am pretty close to my sisters too, I think it's the pinoy thing.
Hi Enelie,
I would like to know how you put your quote of the day. I copied your calendar, I hope you don't mind
How can I connect with you?
Hi Enelie,
I am guessing you are "buntis"
So happy for you and hubby :)
Congrats!!
hi eddy, your blog is interesting too, i have visited your site a couple of times :) i just don't know where to left my comment, hehe! my quote of the day is just a standard gadget from blogger.
you may drop me an email: enelie14@yahoo.com. hope to hear from you!
Gandang Umaga :) thanks for your reply.
Post a Comment