Oct 17. Hindi pa ako delayed pero excited na akong mag-pregnancy test, bakit bawal ba?! Siyempre, as usual, nalilito pa din ako sa resulta.
Oct 18. Dahil nga atat ako, nag-test na naman ako, nakakalito pa din. Gimik ba talaga ‘to ng mga pabrikang gumagawa ng home pregnancy kit?
Oct 19. Delayed na pero pass muna, huwag ko naman daw araw-arawin sabi ng aking butihing kaibigan.
Oct 20. Pass muna ulit. Bukas na lang para sure na sure na.
Oct 21. O ayan ha, 3 days delayed na. Ganun pa din ang resulta, isang malinaw na linya at isang malabong linya. Nabasa ko naman na mas mataas ang probability na positive ‘yun kesa negative. Kaya go na kami ni Irvin sa OB sa Divine Grace. Nagpa-laboratory muna ko, “POSITIVE” na!
Opo, buntis po ako :D
Ngayon, nasa 9 weeks na ako at kasinlaki na siya ng grape. (Irvin says: Wow, anlaki-laki na ng anak ko! FYI, ganyan din ang sinabi nya nu’ng kasinlaki na ng sesame seed ang baby namin.)
Medyo mabigat sa loob ni Kishie, 3-year old pamangkin ni Irvin, ang tanggapin na magkakaroon ng bagong baby kaya nakakatuwa nu’ng isang araw bigla na lang siyang bumulong sa akin na “Ate na ako!”
Si Lex, kahit malayo, feel ko ang pag-welcome nya. Nang tanungin kung ano ang gusto nyang cousin, baby boy ba or girl, “Ahm…baby boy…tsaka girl!”
Muli nagpapasalamat ako sa mga nag-congratulate sa akin, sa mga nagpaalala na ingatan ko na ito, sa mga mothers na nagbibigay ng motherly advice at sa mga masasaya dahil magkaka-baby na kami. And to you, Bro, thank you for giving us another chance to care for someone whose more valuable than ourselves.
Please, please pray for my safe pregnancy.
And Bro, Ikaw na ang bahala sa amin.
Are you ready to tie the knot?
6 years ago
2 comments:
Yay! Congrats! oh ingat na mabuti ha... bawal na mapagod! saya saya, sabay pa kayo ni cheche! boy daw yan, tsaka girl. pero sana 2 babies, baka sumakit ang ulo ni Irvin pag nagsama yun sa isang bata lang. hehe! take super care! mwah!
Hahaha! Naku wag naman sanang pagsamahin sa isang bata :P Thanks Mae! This is it!
Post a Comment