Sunday, September 28, 2008

the weekend that was sep 13-14: overdue

Saturday. I was not able to join the team bonding last night at Peewee's place. Missed an opportunity to laugh and have fun, how sad.

Anyway, today, Agnes has hired Irvin and me (hired...haha, liked that) to accompany her to the airport. She'll be going to Malaysia for 4 days. So we picked her up, Irvin carried her baggage and off we go. We are nearing the airport, we talked about the sadness that the mere sight of the NAIA's Departure Area brings. Right, that sadness. Been there.

So we picked up Nanay to buy pasalubong for Lola Nita at Amira's Tagaytay. We dropped by the Angels Hills Chapel and it reminded me of our good old days. Hihihi, kilig! Irvin and I have been here before, for a college retreat. He did not know how to smile then, so our pictures at Angels Hills show me with a happy face and him with a blank face looking at anything except for the camera. I argued with him, hehe. :) But now, he knows how to look at the camera and smile.


Before going home, we picked up my computer at Tanza to be set up in Rosario.

Sunday. Rest. Before I face another busy week of SAP, MS Excel, and MS Outlook.

Saturday, September 13, 2008

photo journal: scribble

more of my snapshots on: http://enelie14.multiply.com/photos/album/6/Snapshots_2008



Monday, September 8, 2008

speaking words of wisdom

Today is the celebration of Mama Mary's birthday. I attended the 5:30 mass. There was a bottle containing small rolls of paper with a Bible verse. This is what I got.


The Spirit of the Lord is on me, because He has anointed me to proclaim good news to the poor. He has sent me to proclaim freedom for the prisoners and recovery of sight for the blind, to set the oppressed free. - Luke 1:1-8


Well, I really don't know how it applies to my current situation. But this comes in handy, I'll get to use this one day.

Sunday, September 7, 2008

the weekend that was sep 6-7

Wala akong green thumb pero join pa din ako sa Save the La Mesa Watershed Project ng company. Aba, once in a lifetime lang ito, na feeling ko magagawa ako ng difference (bukod pa sa project ito ng ABS-CBN Foundation, kapamilya!). Kahit hindi ko sigurado kung tutubo ung puno na itatanim ko, hindi naman halata dahil madami kaming nagtatanim. Hehe!


Maaga akong gumising, nag-ayos at umalis. Medyo masama na ang pakiramdam ko pero deadma lang. Nasa office na ko ng 6:45 dahil mabilis naman ang byahe, nag-emote-emote muna at naghintay ng mga kasama. 6 na bus kami, ang dami! Past 8 na ng umalis sa RCBC at wala pang 1 hour ang byahe. Pero kapag minamalas nga naman, umulan pa! Habang tinatahak ang daan papunta sa kung saang part ng ecopark, nakapayong ang madami, kasama na ako. Tumitingin-tingin sa magubat at mabulaklak na paligid. Madaming amenities like swimming pool, wall climbing, boating, fishing at kung anu-ano pa, pero the place itself, magpo-provide na ng magandang view para sa nature tripping. Parang wala ka sa city, 'yan lang ang masasabi ko. Nasira ang schedule dahil sa ulan at sa miscommunication na din dahil nag-sign up kami sa gusto naming activity pero pagdating dun, per bus na daw 'yung activities. Siyempre nasa weeding activities ang bus namin pero nagmaganda pa din kami, sa nursery activities kami nag-sign up kaya dapat dun kami. Ayun, naghanap na lang kami ng ibang kasama na ang ending ay sumilong sa isang pavilion at naghintay ng announcement. Mga 30 minutes after, in-announce na magti-tree planting na. Sugod kahit naulan, tree planting and picture taking combined!







Nag-early lunch habang unti-unting tumitila ang ulan. Free time na! Boating ang una naming pinag-trip-an. Nakaligtas ako sa pagsasagwan, kaya taga-utos na lang ako. Sobrang kwela kami, parang mga praning. Lalo na noong simulang pakainin ang mga pato ng baon naming Cheetos (sosyal!), maya-maya sinusugod na kami ng isang flock of ducks. Panic! Napagod na kami after, konting picture, kainan at tambay na lang. 2 PM ng umalis sa ecopark.

Ilang minutes lang ang hinintay ko, nasundo na din ako ni Irvin. By this time, nagchi-chill na ko pero siyempre, kumain pa muna kami sa North Park Macapagal at dumaan pa ng SM. Nu'ng makauwi ako ng past 6 at nag-take ng temperature, 39.4 na ang lagnat ko. My goolay! Nagpunas na ako, uminom ng gamot at nagpahinga. Salamat sa aking Mi Amore, inalagaan nya ko. Siguro mahal na nya ko :P

Maaga akong nagising dahil sa malakas na boses ng Tatay ko na hindi man lang isinaalang-alang na may anak siyang maysakit at may manugang siyang napuyat sa pag-aalaga sa anak nyang masakit (pero okey lang iyon, ang mahalaga, nabawasan ang toyo nya wahehe!). Maya-maya, tumawag si Ate at nagpaliwanag sa masamang balitang nakarating kay Tatay. Ang sagot ng Ate ko: juice ko, sarap-sarap ng buhay dito 'noh?! Tuluyan ng nawala ang toyo ng Tatay ko at buong araw ng nagpapa-cute.

Ako, nagpahinga pa din. Bawal magkasakit dahil closing.

Friday, September 5, 2008

lex kulet 6


May bagong Dora DVD si Lex kaya naman wiling-wili…hanggang sa paliliguan na ni Mommy.
Mommy: Ano gusto mo, hindi ka maliligo pero itatapon ko ang Dora DVD mo? O maliligo ka tapos watch ka after? Ano, ano ang gusto mo?
Lex: Gusto ko pancake, Mommy.

:: e sabi mo, ano ang gusto e...pancake nga! ::

~ * ~

Super likot ni Cayon (shortcut ng Clyron), mahilig likutin ang TV, kable at kung anu-ano pa. Isang araw, na-bad trip si Mommy at pinalo ang kamay.
Mommy: 'Yang kamay na yan! Napakalikot! Lahat na ginagalaw!
Lex: Di ba Mommy, ako, hindi malikot kamay ko tsaka magalaw. BIBIG lang magalaw sa 'kin, di ba Mommy?

:: sa katakawan kaya, o sa kadaldalan? ::

~ * ~

Um-attend si Tita ng birthday party ni Goen, pinsan ni Lex. Nang makita ang picture ni Tita with Jollibee…
Lex: Tita! Wait for me! I'm gonna go there!

:: naku ha, baka debut na ni goen ang abutan natin kapag hinintay pa kita no?! ::

Wednesday, September 3, 2008

photo journal: morning dew


more of my snapshots on: http://enelie14.multiply.com/photos/album/6/Snapshots_2008

Monday, September 1, 2008

the weekend that was aug 30-sep 1

Nagpasundo ako around 10 PM ng Friday night, Irvin came with Enald and Edgie (neighbor), and as expected, we dined at Yellow Cab before going home. Medyo bitin kasi hindi kami naka-order ng Charlie Chan pasta, kulang sa moolah. Har har! Anyway, we were home at around 12:30 AM. I rushed into doing the usual chores when I woke up that Saturday morning (was not able to do the Hip Hop Abs dahil nanonood si Nanay ng Salamat Dok! Wochooo, palusot na naman…). Irvin and I left right after lunch to join the rest of the Estacion family for Kuya Bong's birthday treat. Actually, nagkakagulo pa kung matutuloy ba or hindi, kung sa Alabang ba or sa Enchanted Kingdom. After a few hours (and a few minutes of sleep, updating Irvin's resume, eating fishball and inipit), tuloy na! (How I wish, kasama sa choices ang The Fort para sa Eraserheads concert…)

We left around 6 PM, took the shortcut via Daang Hari, wrestled with some traffic jams, practically chatted about anything with Irvin, Enald and Bryann. While some were muttering "sana sa Tagaytay na lang," I was just enjoying the trip and looking forward to what's in store for us that night. Dumating kami sa Westgate around 7:30 and waited for our turn at Kanin Club. Irvin and I walked around the area while waiting. Yahoo, kainan na! It's basically Pinoy foods…na masasarap! Kaya siyempre pa, enjoy kami. Picturetaking after. Alabang Town Center after. While Kishie played, tumingin muna kami sa car show at siyempre pa, halong pagka-wow at pagtulo ng laway ang naranasan namin. Hay, kung rich lang ako! Uy, uy, libre naman ni Enald ang Starbucks (mukhang habit na ng pamilyang ito ang mag-kape ah!). Enjoy pa din, kahit na may toyo si Kishie. Umayos naman nu'ng mag-retreat silang mag-Daddy, hehehe!



Okey naman pag-uwi, we were playing an Eraserheads CD and were wondering kung ano na kaya ang nangyayari sa The Fort.

Hindi pa ko nakakapagbihis nang makita ko ang report na naka-flash sa TV, na-cut daw ang concert dahil isinugod si Ely sa ospital. Nataranta ang buong household, inabangan ang report kahit late na. Pinakita ang statement ni Lally, apologies at thank you ang laman. Ilang seconds ang silence at nagpalakpakan ang tao. Kung andun ako, makikipalakpak din ako - for the effort na matuloy ang concert at magsama-sama sila. Baka nga tumulo pa ang luha ko e, hehe.

Sunday morning, naghanap agad ako ng chika sa internet. Sa PEP siyempre, tapos sa YouTube. Napanood ko ang ilang songs na nakanta nila at ang masasabi ko lang, WOW!

The usual Sunday lang, weather ang unusual. We were about to go home sa Rosario nu'ng biglang magdilim, bumuhos ang ulan at magsalitan ang kulog at kidlat. Tumawag ako sa amin, check kung okey ang OA kong Tatay at ang mahinahon kong Nanay. Nag-babysit ako kay Kishie para mukhang may pakinabang naman ako habang abala ang lahat sa pagpapahupa ng baha sa likod-bahay at pagluluto sa gitna ng dilim. Yahoo, kainan na naman! Pasta ang kinain namin for dinner - Carbonara ala Tetay (sounds unique, di ba?).

Long weekend na naman, hindi dahil holiday kung hindi dahil may sakit ako. Nagpa-check up ulet ako, hay! I found out, halos hindi nagbago 'yung size ng initially detected as kidney stones ko. So pwedeng hindi iyon kidney stones, pwedeng calcified cyst. Nothing to worry daw, according to the doctor, but it needs to be investigated further. Nagpunta pa ako ng Rural Bank that afternoon and visited Lola Nita.

Siya, beauty rest na.

 
Template by suckmylolly.com