Monday, September 1, 2008

the weekend that was aug 30-sep 1

Nagpasundo ako around 10 PM ng Friday night, Irvin came with Enald and Edgie (neighbor), and as expected, we dined at Yellow Cab before going home. Medyo bitin kasi hindi kami naka-order ng Charlie Chan pasta, kulang sa moolah. Har har! Anyway, we were home at around 12:30 AM. I rushed into doing the usual chores when I woke up that Saturday morning (was not able to do the Hip Hop Abs dahil nanonood si Nanay ng Salamat Dok! Wochooo, palusot na naman…). Irvin and I left right after lunch to join the rest of the Estacion family for Kuya Bong's birthday treat. Actually, nagkakagulo pa kung matutuloy ba or hindi, kung sa Alabang ba or sa Enchanted Kingdom. After a few hours (and a few minutes of sleep, updating Irvin's resume, eating fishball and inipit), tuloy na! (How I wish, kasama sa choices ang The Fort para sa Eraserheads concert…)

We left around 6 PM, took the shortcut via Daang Hari, wrestled with some traffic jams, practically chatted about anything with Irvin, Enald and Bryann. While some were muttering "sana sa Tagaytay na lang," I was just enjoying the trip and looking forward to what's in store for us that night. Dumating kami sa Westgate around 7:30 and waited for our turn at Kanin Club. Irvin and I walked around the area while waiting. Yahoo, kainan na! It's basically Pinoy foods…na masasarap! Kaya siyempre pa, enjoy kami. Picturetaking after. Alabang Town Center after. While Kishie played, tumingin muna kami sa car show at siyempre pa, halong pagka-wow at pagtulo ng laway ang naranasan namin. Hay, kung rich lang ako! Uy, uy, libre naman ni Enald ang Starbucks (mukhang habit na ng pamilyang ito ang mag-kape ah!). Enjoy pa din, kahit na may toyo si Kishie. Umayos naman nu'ng mag-retreat silang mag-Daddy, hehehe!



Okey naman pag-uwi, we were playing an Eraserheads CD and were wondering kung ano na kaya ang nangyayari sa The Fort.

Hindi pa ko nakakapagbihis nang makita ko ang report na naka-flash sa TV, na-cut daw ang concert dahil isinugod si Ely sa ospital. Nataranta ang buong household, inabangan ang report kahit late na. Pinakita ang statement ni Lally, apologies at thank you ang laman. Ilang seconds ang silence at nagpalakpakan ang tao. Kung andun ako, makikipalakpak din ako - for the effort na matuloy ang concert at magsama-sama sila. Baka nga tumulo pa ang luha ko e, hehe.

Sunday morning, naghanap agad ako ng chika sa internet. Sa PEP siyempre, tapos sa YouTube. Napanood ko ang ilang songs na nakanta nila at ang masasabi ko lang, WOW!

The usual Sunday lang, weather ang unusual. We were about to go home sa Rosario nu'ng biglang magdilim, bumuhos ang ulan at magsalitan ang kulog at kidlat. Tumawag ako sa amin, check kung okey ang OA kong Tatay at ang mahinahon kong Nanay. Nag-babysit ako kay Kishie para mukhang may pakinabang naman ako habang abala ang lahat sa pagpapahupa ng baha sa likod-bahay at pagluluto sa gitna ng dilim. Yahoo, kainan na naman! Pasta ang kinain namin for dinner - Carbonara ala Tetay (sounds unique, di ba?).

Long weekend na naman, hindi dahil holiday kung hindi dahil may sakit ako. Nagpa-check up ulet ako, hay! I found out, halos hindi nagbago 'yung size ng initially detected as kidney stones ko. So pwedeng hindi iyon kidney stones, pwedeng calcified cyst. Nothing to worry daw, according to the doctor, but it needs to be investigated further. Nagpunta pa ako ng Rural Bank that afternoon and visited Lola Nita.

Siya, beauty rest na.

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com