Sunday, March 7, 2010

the boy who lived is the boy i love :)

Tuesday night.

Elay: Alam ko na kung saan mag-aaral ang anak natin!
Irvin: Saan?
Elay: Sa Hogwarts!

~ * ~ * ~ * ~ * ~ * ~

Nakaka-adik pala talaga ang Harry Potter. Sa sobrang high para akong na-Levicorpus.

Alam ko, masyado nang late ang simula ko pero sa nararanasan ko ngayon, talagang masasabi kong better late than never.

Christmas Eve 2009 (galing ito sa Pensieve). Na-surprise ako sa isang malaking box na nakabalot ng bongga sa ibabaw ng kama. Natural na mabigla ako kasi hindi ko alam kung paano napunta ‘yung box doon, samantalang labas-pasok naman ako sa kwarto. Oo, may idea na ako kung ano ‘yun (sa dami ba naman ng parinig ko), pero hindi ako talaga nag-e-expect (wushuuu, magtigil nga!). Siyempre nagpa-cute muna ako, binasa ko muna ‘yung card bago ko binuksan ‘yung gift.

At nang aking buksan, haaay! Dream come true!

Isang boxed set ng Harry Potter books, hard bound. *Sigh* In love na naman ako kay Irvin :D (Actually, may kasama pa ‘yung dictionary na pang-baby. Sweetness!)

Tinapos ko munang basahin ‘yung mga hindi ko pa tapos (siyempre, alangan namang tapusin ko ‘yung tapos na, di ba?). January na ako nagsimula sa Harry Potter, timing sa bedrest ko. ‘Yun nga lang, nu’ng pumasok na ako, nakakalungkot na dahil parang wala pang isang chapter a day ang average na nababasa ko. Nasa Book 6 pa lang tuloy ako ngayon. Tsk! Kung pwede lang gumamit ng Time-turner!

Kaya welcome me to the club! Isa na ako ngayon sa mga nagtatanong ng “bakit ganoon sa movie e sa book ganito, blah blah blah?” Nang minsang nahulog ang hanger habang nagsasampay ako, aba siyempre ginamitan ko ng “Accio hanger!” Hanep, napasakamay ko ulit (dahil inabot ni Irvin, hehe). O di ba, i-apply sa araw-araw na pamumuhay para kapaki-pakinabang. At nu’ng minsang ang eksena sa binabasa ko ay natutulog si Harry, nakarinig ako ng alarm, akala ko oras na para gumising si Harry. Sa TV pala nanggaling ‘yung alarm. Kwela talaga!

More than Harry Potter, personal favorite ko sila Sirius at Dumbledore. (At personal kaaway ko si Fudge at Umbridge.)

Hahaha, tama na nga at baka may scar na sa noo paglabas nitong anak ko :)

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com