1. My Nokia E71. A month after my miscarriage, I decided to get a new phone. Naisipan ko lang pagpahingahin ang luma kong phone na matagal-tagal ko na din naman napakinabangan. Pumili pa ako ng qwerty para astig. Awa ng Diyos, hindi ko pa din kaya ang maging touch textist. Pero in all fairness, super like ko itong E71, as iiiin!
2. Baby Naysen (aka Pulang Nissan). Salamat kay Ate Sette, kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makaka-afford magkaroon ng sasakyan. Naaalala ko pa nu’ng binigay ko ‘yung perang naipon ko, napaluha talaga ako ng gabing ‘yun. Pero ganoon lang talaga ako. Wala akong pinagsisisihan na pinakawalan ko para dito ang hard-earned savings ko. Sana lang matigil na ang oil price hikes!
3. Baby Naykon (aka Nikon D60). Salamat sa aking friend, bukod sa pumayag siyang ibili ako nito sa US ay pumayag din siyang bayaran ko ito ng installment (take note: root word is friend). Pero iko-confess ko, nawalan ako bigla ng interes sa photography. Ewan ko nga ba *sigh*. Pero isinusumpa ko, matapos ko lang ang Harry Potter, magpapakadalubhasa na ako sa aperture, shutter speed at expose. (Kasi nga, saan ba ako makakahanap ng Time-turner?!)
4. Baby Vaio (aka Sony Vaio CW series). Bakit kamo kasama ito sa 2009 gayong 2010 ko na ito natanggap? Well, gusto ko lang. Hehehe! Actually, nakatakda namang mapasakamay ko ito ng 2009, ‘yun nga lang walang mapagpadalhan. Narindi na siguro si Ate sa kakaparinig ko tungkol sa hirap, gutom, pagod at gastos na nagugugol ko sa tuwing may ipapadala sa kanya kaya binigyan nya ako ng reward, hihihi!
5. Harry Potter and Twilight. Well, well, well. Thanks to Irvin, bow.
But of course, there is no denying that family and friends (and all the perks that come with having them) are the biggest and best blessings of all time :)
Are you ready to tie the knot?
6 years ago
0 comments:
Post a Comment