One year na pala, ang bilis naman.
Hindi mala-fairy tale ang drama ng love story namin, hindi pang-teleserye at lalong hindi pang-comics. Comedy siguro, pwede pa. Pero hindi ko din naman masasabi na palagi kaming masaya. At 'yun ang excitement ng buhay namin - paano maging mas masaya kung masaya at paano muling sumaya kapag nasaktan ang isa.
One year na pala, ang bilis naman. Parang kailan lang nagpaplano pa kami ng kasal, brainstorming, budgeting, understanding at misunderstanding. Simple lang sana ang unang plano namin - mga 50 guests, closest family at friends, closed door church ceremony, naka-simpleng white dress ako at naka-polo siya, manghihila ng kakilala para kumuha ng pictures, reception sa restaurant, walang program, chika-chika lang. Oo, pinangarap ko din naman ikasal sa simbahan ng naka-wedding gown at maglakad sa mahabang aisle na madaming flowers, pero handa akong magsakripisyo ng pangarap sa ngalan ng pagiging praktikal.
Aalis na papuntang Canada ang Ate ko at ilang years pa bago sila makauwi dito. Dalawa lang kaming magkapatid kaya hindi ako papayag na wala siya sa isa sa pinakamahalagang araw sa buhay ko. Premature ng ilang buwan ang kasal namin dahil supposedly January 2008 pa kami magpapakasal. Kulang ang oras at ipon. Kaya akalain ba namin matutuloy din iyon? Talaga yatang kapag si God ang nagplano, plantsado. Bumuhos ang madaming biyaya para makaraos ang isang simple at tradisyonal na kasal - financial help at mismong mga pagkakataon.
- Sa families namin for the moral support, with special mention to my Ate na lingid sa kaalaman ng madaming tao (kasama ang mga magulang ko) na noong time na 'yon ay 3 months ng buntis sa 3rd baby nya. Tumayong PA (as in punong abala), mula pagkuha ng requirements sa munisipyo, pagpapa-schedule sa simbahan, pagsama sa Divisoria, pagsama sa akin sa confession sa mismong araw ng kasal at sa madami pang pabor na hiningi ko at ginawa nya. (Perfect na sana, kaso kulang sa financial support. Don't worry, hindi pa huli ang lahat.)
- Paula, my nonbiological hipag at nonbiological utol ng aking Mi Amore, salamat sa moral support simula pa lang ng simula namin. I will always treasure the times na magkakasama tayo, ang mga love letters, ang Rustan's, ang bag na ipinantakip mo kapag nagho-holding hands kami, ang mapa papunta sa bahay namin.
- To AMASE, salamat mga panget. Pasensya na kay Sarah at Mhay na hindi ko kayo napadalahan ng pamasahe pauwi ng Pilipinas. Agnes and Leng, thank you sa pagiging secondary sponsors ng walang cost. Hehehe!
- Kay Agnes ulit para sa loaned money at sa accessories ko nu'ng wedding.
- To IMMAFEO, kahit hindi kayo kumpleto, salamat sa effort. At miss ko na kayo.
- Father Alain, thank you po for squeezing our humble wedding into your very hectic schedule. Nagbukas ang pintuan ni simbahan kahit Lunes ng dahil sa amin.
- Kay Manong na tagabantay at tagalinis ng simbahan ng Rosario, thank you. At kay Kuya na nag-aayos ng schedule ng simbahan, salamat sa pagpapagamit ng bagong carpet ng simbahan.
- Sa mga Ninongs and Ninangs, thank you so much. I hope we can visit you all sa Christmas.
- Kay Nonoy na talaga namang love na love ko, salamat sa honeymoon package.
- To Aleli, my business partner, salamat sa wedding ring. 100% Saudi gold!
- To my li'l sis, Jen Joyce, for financing the cost of our wedding invitation. Mwaaah!
- To the talented Mr. Leyo, you're the man! I owe a lot to this guy. Una, sa gown at accessories ko at ng buong female entourage. Second, sa flowers (apologetic pa siya pero super not bad for a non-pro). Third, for the cute gift tags.
- Sa Baloy's Catering, uber yummy ang food at cheap pa. Kahit hindi namin masyadong nalasahan ang food ng mismong wedding, we have received a lot of feedback na okay ang food. Okey din ang decoration, except for the alien-like thing doon sa table namin. Okey din ang service, I have not heard any negative comments. (And to Ate Joy, backer...)
- Kay Ate Sally na nagpa-schedule sa amin sa Chua's Pavilion, kaya naka-discount.
- To my Chevron colleagues slash friends, thank you sa bridal shower at sa effort na pakantahin si Mi Amore that day. Nakakalungkot na hindi nakapunta si Irvin sa dami ng pre-wedding errands na inutos ko sa kanya. Thak you sa fun, sa condom, sa lingerie at sa mga advice from the married pips.
- To Ching-Ching and Lorns, salamat sa misalette.
- Kay Anne Sy, na nag-back up sa akin sa mga gawaing pang-opisina.
- Sa Hairshape Salon for my hair and make-up. Naks! (Parang tunog artista...)
- Sa Dreamline Digital Video and Photography, for the discount.
- Sa Mount Sea Resort, ang piping saksi ng mga unang oras namin bilang mag-asawa. (Kung makakapagsalita lang ang kwartong iyon, sasabihin nyang mukha kaming pera. Hihihi!)
- Sa Cakefarm, sa uber cute at yummy na cakes.
- Kay Ate Beth na kumakanta sa church, salamat sa discount.
- Sa nag-provide ng lights and sounds sa reception namin, sorry hindi ko kayo kilala. Thank you na din kahit winala nyo 'yung CD ko na pinaghirapan kong i-burn the day before the wedding.
- Sa National Bookstore, Landmark, Divisoria at SM sa mga achuchu.
Pasensya na sa mga nakalimutan kong banggitin, basta thankful ako sa inyong lahat.
At pahabol pa pala, salamat sa nag-effort na pumunta kahit na may pasok pa kinabukasan. Salamat sa mga nagregalo ng lamp, rice cooker, electric fan, etcetera, lalong-lalo na sa nagbigay ng cash at GC. Nakabili kami ng ref, digicam, mga gamit sa bahay (kahit wala kaming bahay) at nagamit namin sa honeymoon namin sa Bora (sulit, promise).
One year na pala, ang bilis naman. Pero madami na din akong natutunan. Nalaman ko na hindi pala dapat magaslaw kapag kakatapos lang ayusan ng hair and makeup artist dahil papagalitan ka nila. Nalaman ko na pangit pala kapag tumatawa habang naglalakad sa aisle (ang chaka sa video, buti na lang cute pa din ako). At nalaman ko na masarap pala...ang magbilang ng datung after ng kasal ('yan ang una naming ginawa).
Nalaman ko ding masaya ang matulog at gumising katabi ang pinakapoging boylet sa buong universe. Nakakatawa pa din kapag nagpapa-cute kami sa isa'-isa at kapag nagre-reminisce ng aming good ol' days. Ayos lang kapag nag-aaway, kaya nga may kiss and make up, di ba? Masayang maging part ng isang bagong pamilya (kahit mga Kapuso sila...hmph).
One year na pala, ang bilis naman. Madami pa akong kailangang matutunan.
2 comments:
hi enellie. nagbakasali lang ako sa facebook na hanpin ang name mo thats why i ended up here.. i was looking for you and your ate sa friendster but i dont know your last name na and same as your ate too.
how are you? im your tito jun's daughter.. (your moms brother) rose
me face book ba ang ate mo?
say hi to your mom and ate irish.. nasan na nga pala ang ate irish mo?
sige.. hope to hear from you../
nga pala.nakikita mo pa ba sina ate marie at kuya rondon? si kuya roel? si richelle?balitaan mo naman ako ha..
if me number ka nila, share mo sa akin ha.. pati yung sa ate mong number.. share mo din hehe
email mo sa akin here
rsmoya@gmail.com
Post a Comment