Sunday, October 25, 2009

the weekend that was oct 10-11: overdue

Sabado. Natuloy din ang matagal ng planong mag-shopping with Agnes. Sobrang dami ko kasing pera e, gusto kong magwaldas. Ahehehe! Nangarap na naman. Kailangan ko kasing bumili ng dress para sa kasal ni Sariray, lector ako. Juice ko, umaga pa lang laos na ang byuti ko. Bah naman e hindi na pala nagbababa sa Ayala ung mga provincial buses, naglakad tuloy kami. Anyway, ayun, SM tapos Glorietta tapos Landmark. Salamat at nakakita din ng okey na medyo mura. Tapos gumala-gala na lang kami, nag-Bo’s Coffee. Pamatay oras habang naghihintay kay Irvin na pinaayos si Naysen. Nung nagkita kami, kanya-kanya ng kwento, kawawa din si Irvin.

Haaay. Pag-uwi, plakda na.

Sunday. Da usual pa din. Sa bahay lang. Masaya dahil in fairness, hindi na tinotoyo si Fader :D

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com