Friday. Feeling weekend na ako. Hindi dahil long holiday kung hindi dahil wala kami sa office, yehey! Tamang-tama, change of scene.
We had a team activity at the Batangas Refinery in San Pascual, Batangas City. Hindi R&R activity, intelektwal ito - knowledge sharing sessions. Nagkaroon din kami ng plant tour kaso gabi na noon at umuulan pa ng ubod lakas kaya ayun, hindi din nakapag-picturetaking. Sayang! Minsan lang ako makakita ng malalaking tangke ng krudo at gasoline, hindi pa ako nakapagpa-picture. Anyway, kumain kami sa isang Dampa-style restaurant kung saan siksi, liglig at umaapaw ang pagkain. Nagpaalam na din kami sa mga officemates naming uuwi. Me and some of my teammates opt to stay sa housing facility ng Chevron called Banaba.
Malapit lang ang Banaba sa Refinery, parang isang subdivision…na nakakatakot. Hehehe! Joke lang! Nakakatakot lang kasi gabi na kami nagpunta and since hindi naman lahat ng bahay may nakatira, medyo madilim and naligaw pa kami. Joy and I are supposed to stay in two separate bachelor’s quarters na medyo nakahiwalay pa sa house ng teammates namin. So we checked na lang muna ‘yung house and we found out na pwede pa kaming ia-accommodate (anlaki kaya nu’ng house). Yehey! Actually, kahit sa sofa set lang ako matulog basta may kasama lang ako sa house J Nakanood pa kami ng Florinda, SNN, Bandila, at SOCO (marathon ito!). Picturetaking!
Saturday. 6:15 ako nagising, wala na si Joy sa tabi ko dahil nauna na sila ni Ruffy. Malakas ang ulan at hangin. Hindi makakapag-swimming sa clubhouse. Masyado pang maaga kaya nagbasa muna ako ng isang Bob Ong book. Naligo, nag-ayos. As scheduled, umalis na kami ng 9 AM. Kinausap na ng teammate kong si Sheila na sa Tagaytay-Dasma dumaan dahil tatlo kaming taga-Cavite na bababa doon. Ayos lang naman ang biyahe kahit sobrang lakas ng ulan kaso pagdating sa Lemery, biglang napahinto ‘yung van sa harap namin, tapos nag-U-turn. Uh-oh. Baha, bonggang-bonggang baha. Kailangan din naming mag-U-turn dahil sa sobrang lakas ng current, alanganin kung mag-take kami ni risk. And siyempre, safety first. Malayo din ang inikutan, madaming baha sa daan pero dire-diretso na. 12 NN ng dumating kami sa SM Dasma. Bumaba na din ‘yung mga kasama namin para kumain at mag-CR. Kawawa din sila, mahaba pa ang byahe nila.
Kumain muna kami ni Irvin, gutom na ko dahil hindi naman kami nag-breakfast. Nag-ikot-ikot bago umuwi.
Tumawag agad ako sa amin pagdating. Sobrang worried sila Nanay at Tatay. Nu’ng nanood ako ng news saka ko lang naintindihan. Grabe na pala ang nangyayari sa Metro Manila, to the point na mag-iisip ka kung Metro Manila nga ba ‘yung tinitingnan mo sa TV. Worried din kami kasi that time, nasa Marikina si Ate Sette. Nasa news ang TV most of the time. Ang masasabi ko lang: devastating.
Nakatulog ako ng 7-9 PM and then woke up and watched TV again. Grabe talaga, nakakalungkot.
Sunday. As usual, Sunday morning habit muna before anything else. Then news. Then umuwi sa amin. Lagi lang kami nakatutok sa TV for updates. So happy na marami ng nagko-conduct ng charity works.
May God bless us all!
0 comments:
Post a Comment