G-A-S-T-O-S!
Ang mahal pala talagang magpalaki ng anak, and take note, hindi pa siya lumalabas sa akin nyan ha!
Hindi naman sa ina-account ko lahat, pero accountant kasi ako e hehehe! Hindi ko talaga maiwasan na hindi i-monitor ang mga gastos. Pointer na din sa mga nagpaplano kaya ishe-share ko sa inyo, eto po ang overview.
Prenatal check-up - Php 300/visit (luckily, reimbursable ito sa health card namin)
Prenatal medicine - PhP 800/month ('yan 'yung average)
'Yan 'yung regular na monthly expenses. Lalagyan ko sana ng "Others" pero na-realize ko na mahirap pala i-estimate 'yun. It would include 'yung mga kung anu-ano ko pang binibili like fruits (minsan kapag feeling healthy), low-fat milk (calcium!) at 'yung mga paminsan-minsang trip kong kainin.
Sa health center ako nagpabakuna para libre :)
Isama pa diyan ang maternity clothes (kasama na ang mga bagong bra at mga lola panty), talagang total change of wardrobe.
And recently, nag-shopping na kami for the baby. (Thanks to my colleagues and friends for the inputs, especially to Ate Lois, my former SA at SGV.)
Apparel
149.75 Tie-side shirts - sleeveless (2 pcs)
159.75 Tie-side shirts - short-sleeved (2 pcs)
179.75 Tie-side shirts - long-sleeved (2 pcs)
152.78 Onesies - going-home outfit (1 pc, w/ 10% discount)
503.55 Receiving blankets (2 pcs, w/10% discount)
069.75 Bonnets (3 pairs)
069.75 Mittens (3 pairs)
119.75 Infant socks (3 pairs)
089.75 Bibs (3 pcs)
Diapers
039.75 Diaper clamp (2 pairs)
285.50 Disposable diapers (48 pcs)
Nursery Linen
1376.55 Comforter, bolsters, pillow (1 set, w/10% discount) - c/o AMASE
0296.78 Extra bolsters and pillow case (1 set, w/10% discount)
Bathing Accessories
1439.55 Bath tub and bath support (1 pc each, w/10% discount)
0079.75 Wash cloth (6 pcs, w/10% discount)
Grooming accessories
00.00 Nailcutter (included in the apothecary set below)
58.28 Powder case (1 pc, w/10% discount)
Toiletries
064.00 Liquid bath (1 bottle)
032.00 Baby oil (1 bottle)
014.00 Ethyl alcohol (1 bottle)
049.75 Cotton balls (1 pack)
296.78 Cotton buds for newborn (1 pack, w/10% discount)
093.75 Petroleum jelly (1 bottle)
099.75 Baby wipes (2 packs)
Apothecary
719.78 Thermometer, nasal aspirator, dropper (1 set, w/10% discount)
Feeding/Nursing Essentials
1500.00 5 oz feeding bottles (4 pcs)
1999.50 9 oz feeding bottles (6 pcs)
0341.78 Extra nipples (2 pcs)
1799.77 Electric sterilizer (1 pc, w/ 10% discount)
0215.78 Bottle and nipple brush (1 pc each, w/ 10% discount)
0289.00 Liquid cleanser for bottles and nipples (1 bottle)
0034.75 Bottle tong (1 pc)
0479.75 Bottle keeper (1 pc)
0179.78 Milk container (1 pc, w/10% discount)
Nursery Finishings/Other Essentials
7650.00 Crib/playpen
20,930.62 TOTAL
Ayaaan, akalain mo...sa dami ng hindi ko binili ay naka-21 tawsan pesosesoses na ako!
Oo, madami pa akong hindi binili diyan! As in! (Nanghihinayang lang ako na hindi ako nakapamili sa Baclaran para makamura kasi hindi ko naman pwedeng kaladkarin si Nanay sa ganitong init ng panahon!)
Napansin nyo, tig-2 pieces lang 'yung mga tie-side shirts? Kasi buhay pa 'yung tie-side shirts namin ni Ate (o di ba, CIRCA 1975 pa 'yun!). Actually, kaya lang ako bumili ay para kapag nag-picturetaking, hindi naman mukhang aping-api ang aking Mi Bebe na medyo manipis na 'yung damit nya with matching embroidery pa ng "Moya-Solis".
Napansin nyo, walang pajamas, lampin at bigkis at konti lang ang receiving blankets, bonnets, mittens, bibs at booties? Kasi nasa amin pa 'yung pinagliitan ng mga pamangkin ko. Sayang nga 'yun crib ng mga pamangkin ko, nasira nu'ng umalis sila.
Napansin nyo, may "c/o AMASE" 'yung set of comforter, bolsters at pillow? Kasi sila ang sponsor nyan e! (Ooops, speaking of this, sa katapusan ang payment due date ng credit card ko...hehehe! Love you, girls!)
Napansin nyo, may bath tub at bath supporter pa? Kasi baka mahirapan si Nanay na magpaligo e, para makatulong sa kanya. ('Yan ay kapag pumapasok na ako, mag-aaral siyempre akong magpaligo ng baby!)
Napansin nyo, ang mahal ng bote? Kasi naman, obviously, 'yan ang pinakamagagamit so nag-invest na ako sa Avent at Chicco.
Napansin nyo, walang car seat at stroller? Kasi mahal e, wala na akong pera hahaha! Actually, sabi ni Ate ay ipapadala daw nya 'yung pinaglumaan ng mga pamangkin ko. Siyempre, ako naman, with open arms kong tatanggapin 'yun.
'Yung baby book at nursery bag, plano kong ipa-sponsor sa mga officemates ko kapag binigyan nila ako ng baby shower, hehe!
'Yung iba, later ko pa bibilhin like 'yung hairbrush and comb (hindi ko pa sure kung may hair siya :P), finger toothbrush (hinliliit at wash cloth na lang daw sabi ni Nanay), breast pump at breast pad (hindi ko pa sure kung may breast ako este breastmilk pala, hehehe), rubber cot sheet (eto 'yung parang bubble sheet na baligtarang pink at blue, alam nating lahat 'yan!) at mosquito net (hindi ko pa sure kung kailangan ba nito or magdamag ko na lang pagbabantayin si Irvin para walang lamok na makalapit sa amin).
Alam ko simula pa lang ito.
Pero katulad ng palagi naming iniisip ni Irvin: God will provide.
Are you ready to tie the knot?
6 years ago
0 comments:
Post a Comment