Saturday. Nanood ako ng game ni Irvin with Enald, Bryann and MJ. Siyempre panalo sila, swerte ang buntis e! Natatawa nga ko kasi nu'ng naglalaro si Irvin, sinasabi ko na "Baby, 'pag boy ka, gayahin mo si Tatay oh, galing mag-basketball…" Narinig nya kaya 'yun kahit kasinlaki pa lang siya ng sesame seed? Malay mo naman, di ba?
Hinatid na namin sila, umuwi sa amin for lunch, then punta sa Divine Grace Medical Center. Accredited ng Maxicare ang hospital na 'yun kaya doon kami unang pumunta. Kaso 'di ko talaga feel. Una, ang tagal walang tao sa Information desk, pangalawa masusungit ang mga nurses at kung sino pa man sila doon. Parang hello, mga pasyente ang customer nyo, umayos nga kayo. Mag-e-SM sana kami after, kaso super traffic naman. Sayang ang oras, huwag na lang. Ayun, palpak ang lakad. Hinatid na nya ko sa amin. Siyempre plantsa while watching TV, tapos PSP, hehehe!
Sunday. Sinundo ako ni Irvin ng 5:30 AM para mag-jogging, siyempre tatanga-tanga pa 'ko sa kaalamang pangbuntis at ayun lakad ako ng lakad. Kasama namin sila Hazel at ung pamangkin nya, si Enald at MJ. Jollibee after. Uwi muna ako, chat with Ate, PSP, sound trip. Sinundo na ako ni Irvin and off we go sa aking first prenatal check-up kay Dra. Jamir.
4th ako sa pila at madami pang buntis ang nagdatingan, ayos lng. Ibig sabihin madami siyang pasyente, friendly si Ms. Nurse na churchmate nila Nana at Ate Sette. Kaya this time, feel ko na. This is it. Actually, kinakabahan ako, pero excited din. Question and answer, kapa sa tiyan. Mukhang okey naman. OB siya ng Ate ko kaya may kamustahan na din.
Nag-SM kami, unwind naman :)
Are you ready to tie the knot?
6 years ago
2 comments:
may kilala din akong badtrip sa DG! hahahahaha ;p
oist ingat buntis ah! :D
haha, ikaw ba un? thanks ha!
Post a Comment