Super love namin ni Irvin ang Yellow Cab. Comfort food ko 'to usually kapag OT ako. Kapag sinundo ako ni Irvin after a hard day's work, we would sometimes dine at Yellow Cab Macapagal kahit na antok na antok na kami (mas mahalaga ang pagkain kesa sa tulog :P). Buti na lang 24-hours open 'yun. Standard order na namin ang isang 10-inch pizza at Charlie Chan pasta, Sola Lemon at Diet Coke (now Viva Mineral Water), walang palya.
This post reminded me of several times na ngwa-wonder kami bakit hindi ma-gets ng mga cashier ang pangalan ni Irvin. Mahirap ba? Ir-vin. I-r-v-i-n.
Situation # 1
Cashier: Sir, ano po'ng name nila?
Irvin: Irvin.
Cashier: Ano po ulit, sir?
Irvin: Irvin, Irvin po.
Cashier: Sorry, sir, ano po ulit?
Irvin: Ahm...Elay na lang.
(Teka, ako 'yun ah!)
Situation # 2
Cashier: Sir, ano po'ng name nila?
Irvin: Irvin.
Irvin: Irvin.
Cashier issues receipt. Ang pangalan na nasa resibo: Ervin.
(Close enough.)
Situation # 3
Cashier: Sir, ano po'ng name nila?
Irvin: Irvin.
Cashier issues receipt. Ang pangalan na nasa resibo: Oervin.
Cashier issues receipt. Ang pangalan na nasa resibo: Oervin.
(Complicated ang isip ni Ms. Cashier. Pero ang matindi nito, twice nangyari ito sa MAGKAIBANG branch - Tagaytay at Macapagal.)
Situation # 4
Cashier: Sir, ano po'ng name nila?
Irvin: Irvin.
Irvin: Irvin.
Cashier issues receipt. Ang pangalan na nasa resibo: tingnan nyo na lang. (Circa 2006 pa 'yan.)
Minsan, sa inis ni Irvin gusto na nyang sabihin na ang pangalan nya ay EVERYONE para kapag tinawag na...
Pizza for EVERYONE!
Tingnan lang namin kung hindi kuyugin 'yang cashier na yan! *Grin*
1 comments:
wahaha! i do that too, giving another name, kasi i hate seeing my name typed "may"...nung minsan sa hotshots burger sabi ko ang pangalan ko, JAY-R, para si papa ang kukuha sa counter...pinaulit pa sa akin nung kahero, can't believe jayr ang pangalan ko? hehe!
kamusta kay jerbin...hehehe! talagang may memorabilia pa.
Post a Comment