Tuesday, March 3, 2009

the weekend that was feb 21-23: overdue

Saturday. Nanood ulit ako ng game ni Irvin. Malas ang laro nya pero panalo pa din. Nakachikahan ko din si Cyril at ang story behind his brand new Lancer MX. Hinatid na ko ni Irvin. Kasal ngayon ni Pinsan Lito, preggy din ang misis nya. Actually, apat silang puro preggy ang mga partners (sayang, si Mac din sana). The usual Saturday ritual - plantsa, TV, PSP. (Nami-miss ko na din palang magbasa. Yes!, Cosmo at ung weekly pregnancy calendar na lang ang nababasa ko lately.)

Sunday. Chat with Ate and the kids. Uwi sa Tanza later that day. Gave Kishie her birthday gift - an Elmo dress (na hindi kasya) na binili namin last Friday sa MOA.

Monday. Wasn't feeling well that morning, hindi naman morning sickness. Nahilo lang siguro pagbangon. Since hindi pa naman nalo-load 'yung gagawin ko, I decided to take a leave. Nakakahiya lang kasi hindi planned, buti na lang pumayag si TL. Natulog ulit ako. Nagpa-set up ng laptop pagkagising. Nadala pala ni Ate ung cable kaya bumili pa si Irvin. Kaya lang, ayun lang, ayaw gumana ng smartbadge reader. Ilang beses ko ni-try, pati si Irvin nakisawsaw din. Wala! Nood na lang kami ng Oscars. Nanood din kami ng Harry Potter and the Chamber of Secrets for the nth time, pagkatapos patulugin si Kishie.

Nilagnat si Irvin after nyang maligo. Bakit kaya? Nagchi-chill siya nung gabi. Kaso ayaw nya naman ako palapitin sa kanya kasi baka mahawa ako :(

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com