Tuesday, March 3, 2009

the weekend that was feb 28-mar 1

Saturday. Maaga akong nagising para manood ng Salamat Dok, giving birth kasi ang topic. Hindi na ako sumama manood ng basketball game ni Irvin kasi naka-motor lang siya, nagpahatid na lang ako sa amin . Ayuuun, natalo tuloy sila (wala ang swerteng buntis e). Okey naman, normal Saturday lang. Ayos ng gamit, chat with Nanay, chat with Tatay, TV TV TV, PSP. Late na akong nakatulog, ang daldal kasi ni Nanay e.


Sunday. Gumising ulit ako ng maaga, miscarriages naman ang topic ngayon sa Salamat Dok. Chat with Ate (na nasa laundry room nila Ate Irene dahil doon lang maliwanag). After lunch na dumating si Irvin, mag-e-SM kasi kami dapat para bumili ng gift for Ate Lois' wedding this Tuesday. Kaso bigla ba namang humirit ng "Gusto mo sa Robinson's tayo bumili…Robinson's Tagaytay…"

And so here we are at our happy place again. Gusto ko sanang pumunta sa People's Park kaso delikado na daw kasi hapon na. Oh-kay. Our first stop, Pink Sisters - prayers and picturetaking. 2nd stop, Yellow Cab (kunyari nagke-crave ako ng Charlie Chan). Tapos tambay lang sa tabi-tabi. Kakaulan lang kaya super lamig. Haaay, magkakabahay din kami dito.


Why not?! Libre ang mangarap… :)

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com