Sunday, January 25, 2009

class will and testament

Nagba-browse ako ng highschool newspaper ko ng bigla akong mapunta sa Class Will and Testament page. Ito 'yung list ng mga traits ng mga senior na ipapasa sa mga junior dahil graduating na sila. Mixed emotions, dude. Nakakataas ng kilay 'yung iba pero mas madami pa ding kwela. At dahil masyado akong proud sa sarili ko, ang example na gagawin ko ay walang iba kung hindi si Enelie M. Solis (that's me!).

Kung mahina ang sikmura mo, ngayon pa lang, itigil mo na. Madami pa 'kong ibang posts na pwede mong basahin. Tuwa lang ang reaksyon na tatanggapin ko, any violent reactions dalhin nyo na lang sa Korte Suprema kung gusto nyo, o kaya sa H-World har har!

The $10-Billion Legs of Enelie M. Solis - Uhurm! Uhurm! Sige, sabi nyo e... Hindi kayo naniniwala? E 'di 'wag! May free will naman tayo e. (Hello, insurance company? Papa-insure ko sana 'tong legs ko, magkano ba?!)

The Well-Groomed Look of Enelie M. Solis - Oh well, elementary pa lang naman ay A1 Child awardee na ako. Utang na loob ko 'to sa Nanay ko na masyadong OC sa itsura naming magkapatid. Pero nu'ng ako na lang nag-aasikaso na ako ng sarili ko, nakakatamad pala. And I can go through a day without combing my hair.
The Scholastic Records of Enelie M. Solis - Hindi na lang ako magsasalita tungkol dito. Ayoko namang malaman pa ng ibang tao na humahakot ako ng trophies, medals and pins, 'di ba? Na kung ipapatunaw ko lahat 'yon e kaya kong bayaran ang utang ng Pilipinas sa World Bank. Huwag ganoon, kayabangan 'yon e. Quiet na lang ako. (So ngayon, hindi mo alam kung totoo 'yung sinabi ko. Bahala ka na, buhay mo 'yan e.)

The Tremendous Skills of Enelie M. Solis - Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nila dito e. Next, please.

The Innocent Look of Enelie M. Solis - My gosh! Hello, screening committee?! Would you define innocence for me, please?! Hehehe! Hindi ba innocent look equals mukhang tanga? :P Sabagay, may point naman siguro. Dati naman, mukha talaga akong hindi makabasag pinggan pero ngayon mukha na akong nambabato ng pinggan. (Kontra ka sa innocent look ko? 'Lika babasagin ko 'tong pinggan sa mukha mo!)

The Beautiful Eyelashes of Enelie M. Solis - *wink wink* Gusto kong magpasalamat sa Nanay ko dahil sa hindi...inuulit ko, hindi...nya pagpapamana ng pilikmata nya, dahil wala siya nu'n.

The Legible Penmanship of Enelie M. Solis - Pwede ding, flexible penmanship. Iba-iba naman ang sulat ko e, pero magaganda lahat. :P

O siya, yan lang naman. Nagtataka ako, bakit kaya hindi ako nakasama sa iba katulad ng Blushing Beauties, Magnetic Appeal, Curvaceous Body o Golden Voice?

Pero inaamin ko, mas nakakapagtaka naman kung kasama ko du'n. (Uuuuy tapos na ako sa denial stage, nasa acceptance stage na!)

2 comments:

jen said...

Hahaha! Sobrang tawa ko ng tawa dito sa entry na 'to! Buti na lang ako pa lang mag-isa dito sa office at buti na lang din eh wala akong boses kaya walang sound! :P

Pau-pau said...

Hay hips nahalungkat mo pa rin ang mga class will and testament na yan! hahahaha!

 
Template by suckmylolly.com