1. Last December 22 ginanap ang Christmas party ng team namin. The 1st part was the outreach program where we sponsored a Jollibee party for the streetchildren from Childhope Asia Philippines. Games, kainan, production numbers. Super enjoy ang mga bata. Siyempre kami din, enjoy makipag-kodakan kay Jollibee!
Nakakatuwa 'yung mga bata! Imagine, ang meal nila na comprised lang of spaghetti and chicken e hindi pa nila maubos, ni-take out pa. Siguro ibibigay pa nila 'yun sa mga kapatid nila pag-uwi.
The 2nd part was the exchange gift and kainan. Sa Seaside MOA kami (kung saan medyo nakakairita 'yung crew). While waiting for the food e binigay na namin ang parting gift namin kay Anne who will be going to Singapore to be with her hubby. Tapos exchange gift na! I gave a bag to Aline (code name: Princess Fiona) and I received Gary V's The Platinum Ballad Collection. Yey! (Actually, pangalawa lang 'yun sa wish list ko. Una 'yung books ni Jim Paredes pero nahirapan siguro si Mommy na maghanap.)
2. For so many years, ngayon ko lang yata mararamdaman ang medyo mahaba-habang bakasyon. Declared as holidays ang December 25 up to January 2, and I am so happy na hindi ako masyadong busy ng mga days na 'to kaya it's time to rest well para makapag-ready sa year-end closing. (God, bakit ba kasi ako naging accountant?! Hehehe!). Nag-leave na ako ng December 23 pa lang para sa aming second honeymoon. Yiheeee! Nu'ng December 30 lang ako pumasok to check emails and do telecons.
3. December 26 ng magdala kami ng Bake & Churn cakes sa aming mga Ninongs at Ninangs at iba pang tao na mahalaga sa 'min. Merry Christmas po!
4. Birthday ni Tata (my father-in-law) last December 29 and maaga pa lang ng mag-decide na kumain sa Seaside. Pero masama daw ang pakiramdam ni Tata kaya hindi na din siya sumama, so in short, nag-celebrate kami ng wala ang celebrator hehe. Seaside Macapagal then MOA kung saan nakabili ako ng two pairs of CLN. Thanks to my Ate, cash gift nya 'yung ginamit ko. And thanks to Irvin, isang tingin pa lang…"Bagay 'yan sa 'yo!" Siguro ayaw na nya maglibot, hehe!
Ang gwapo naman nu'ng naka-pink! Parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya...
5. Enald, Hazel, Irvin and I went to Tagaytay last January 2 para medyo magpalamig :P Super lamig, as in! Dined at Mushroomburger then Starbucks. Comedy ang pagre-reminisce ng dekada '80 sa mga larong pambata katulad ng Chinese garter, taguan, syatok, sipa, text (aka postcard, hindi po SMS) at kung anu-ano pa. :D
0 comments:
Post a Comment