Monday, January 12, 2009

the weekend that was jan 10-11

Hinatid ako ni Irvin kaya maaga akong nakapasok (salamat, pa-kiss nga). Hindi naman ako masyadong madaming gagawin kaya hindi ako pressured. Kumain kami nila teammates sa North Park and around 3:30, nasundo na din ako ni Irvin. Dumiretso na kami kila Mhay para magbayad ng utang at magpaalam. Haaay! Aalis na naman ang isa sa aking friendships :(


Hinatid na 'ko ni Irvin sa Salinas. Bago siya umuwi e nagsermon muna ang aking poging tatay. Hehehe! Haaay! Usapang pamilya itech.

One sad news, wala na si Junjun. Naiiyak pa din ako. Last week lang, pinapakain ko pa siya ng Pringles e. :( He's been in our household for mga 4-5 years na. Huhuhu!

Watched Never Been Kissed and read Yes! Wowowillie edition (na kahit out-of-stock na e nakabili pa din ako, that's charm! :P). Ang masasabi ko lang sa kayamanan ni Willie, wow!

Late na akong nagising nu'ng Sunday, because of the weather siguro. Ilang weeks ng super lamig e. Dumating si Irvin around lunchtime. Namalantsa lang ako and umalis kami around 5:30. Watched PBA and The Dark Knight.

Nakakainis ang PLDT ha. Hmph!

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com