So ano'ng pinagkakaabalahan ng isang katulad ko na alila ng 8-to-5 (na madalas ay hindi naman talaga 5, hehehe) na trabaho na sandaling nagbakasyon para makapagpahinga at muling sumabak sa mga dagok ng buhay at hanapbuhay?
Hmmm...ano nga ba?
1. Makinig ng mga interesanteng balita. At ilan sa mga pinagtuunan ko ng pansin ay ang sumusunod: (a) ang pagbaligtad ni Nicole sa pamosong Subic Rape Case, haaay parang nakakahiya lang na after ilang years ay na-realize nya na "baka" hindi naman siya na-rape; (b) ang panduduro at pagpapaluhod ni Boyet Fajardo sa isang empleyado ng Duty Free na sumunod lang naman sa SOP on credit card transactions, grrrr; (c) ang walang katapusan hidwaan ng Abu Sayyaf at ng militar at ang pag-kidnap nila sa ilang miyembro ng Red Cross, dalawa sa tatlo ay foreigner, na nakakaawa dahil sila pa na nagmamalasakit sa mga hindi naman nila kalahi ang napahamak; (d) si Chip Tsao at ang maaanghang nyang komento tungkol sa Pilipinas, sa mga Pinoy at sa claim ng China sa Spratleys; at (e) ang matagumpay na pagsasagawa ng Earth Hour, kung saan nag-participate kami.
2. Maki-dance sa Summer Station ID ng ABS-CBN, super cute! Galaw-galaw sa tag-araw! (Binat ang aabutin ko dito...)
3. Magbasa (na naman) ng Pugad Baboy books. Nabasa ko na ulit ang Pugad Baboy 8-19, nasa 20 na ako ngayon. (Elay: Siguro di lang tig-te-ten times ko nabasa 'tong mga 'to 'no? Irvin: As in!) Magbasa ng ilang libro na matagal ng nasa akin pero hindi ko pa nabubuklat, hehehe!
4. Magpakaadik gaya ng Nanay ko sa Kapamilya teleserye - May Bukas Pa, I Love Betty La Fea at Tayong Dalawa. (In fact, kinareer ko ang reruns ng May Bukas Pa noong Holy Week at naiyak ako sa ilang mga episodes...i love Santino and Bro!) Manood ng DVDs at ilan sa mga nagustuhan ko these past few days ay Sex and the City (The Movie) at Death Race.
5. Mag-blog at mag-bloghop, mag-internet ng tsismis at song lyrics ni Michael Jackson na mine-memorize ko, mag-Facebook at makipag-chat.
Boring! Makatulog nga muna... :)
0 comments:
Post a Comment