Almost 3 weeks na since that unfortunate day, hindi pa din ako nakakarating sa ibang place except for Rosario to Tanza and vice versa. My TL reminded me about the computer-based training on information risk something, and the deadline is March 31. There is something wrong with the take-home laptop so I decided na pumunta na lang sa office. Manghihiram na lang kami ng car para hindi hassle.
Siyempre kahit ayaw pa ni Nanay na magbiyahe ako, natuloy pa din (sorry, Mother, tawag ng tungkulin!). Medyo excited din ako (hindi sa work ha). Around 11 AM, nasa office na ako. Ayan na, ginawa ko na 'yung training tapos naglipat pa ko ng mga gamit sa bagong issue na pedestal. Nag-delete ng emails, nag-sort ng scratch papers, nag-copy ng PSP games. Mga 1 PM na ako natapos, salamat kay God of War at sinamahan nya si Irvin. At salamat din kay Marie na hinatid ako at dinala ang mga gamit ko at nagpasabog ng sari-saring chika at nag-share ng sentiments tungkol sa hmm...hmm (pareho kami ng sentiments, actually).
Dumiretso kami sa Tagaytay, our happy place. Plan kasi ni Irvin na i-treat ako on my 2nd month of pregnancy kaya lang hindi na natuloy. Kaya eto, ngayon na lang kami nag-date. :)
We dined at Carlo's Pizza, tapos tumambay lang, tapos nag-Pink Sisters kami. Super happy.
Sunday. Nag-grocery kami nu'ng afternoon, na-miss ko din 'yun. Oo, pasaway na naman ako.
0 comments:
Post a Comment