Wednesday, August 20, 2008

lex kulet 5


Pinalo ni Daddy si Clyron…
Lex: Daddy, wag mo palo si Kayon! Baby pa siya, di pa nya alam 'yun!
oo nga naman, si daddy talaga oh! buti pa si lex, bata pa lang may alam na sa child psychology.

~ * ~

Naghahanda si Mommy ng baon nya…
Lex: Kaninong baon yan?
Mommy: Sa akin.
Lex: 'Pag di mo ubos yan, palo kita!
perfect example ng "ang ginagawa ng matatanda, ginagaya ng mga bata."

~ * ~

After ilang months ng pagkupkop ni Ate Irene sa mag-anak nila, lumipat na ng bahay ang Hernandez family. Kinabukasan, paggising...
Lex: Mommy, babalik na ba tayo sa Church Avenue? (dito nakatira sila Ate Irene)
Mommy: Hindi na tayo babalik dun, Lex. Dito na tayo nakatira.
Lex: Baket? Pinalayas na tayo ni Mama Irene?

tama ka, lex! pinalayas nga kayo, bawal na daw ang batang makulit at matakaw kila mama irene...

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com