Tuesday, August 19, 2008

the weekend that was aug 16-18

Maaga akong gumising dahil pupunta kami ng aking friendship Agnes sa Divisoria, ang lupain ng murang bilihin at mga kargador na hubad-barong nakikipagkiskisan ng balat sa mga tao. Inagahan na namin dahil Sabado at kasusuweldo lang ng mga tao. (Baka feel nilang maglustay ng datung, di ba?) On time sana ako, kaso kailangan ko pang pag-ibigin ng tubig si Irvin dahil naging kulay iced tea ung lumalabas sa gripo. Ayun, late na naman tuloy ako. (Excuses!)

Okey naman papunta, the usual eksena - baha, traffic, vendors. Enjoy naman kami ni Agnes dahil sa mura ng bilihin, kahit pampasko bumili na kami. Nakabili ako ng Swarovski earrings, Hello Kitty bag (for me or panregalo?), scrapbooking materials (para sa album ng mga pamangkin ko na kahit malayo sila sa akin e ako pa din ang pinapahirapan ng nanay nila…hehe, peace Ate!), fruits at photo frame (para sa tatay kong pogi) and some kiddie stuff for Kishie. Si Agnes, madami din siyempre (yun pah!). Buti na lang at nakisama ang panahon, nasa bus na kami pauwi nung pumatak ang ulan.

Sinalubong ako ni Irvin sa Noveleta, then umuwi sa amin kung saan natataranta ang nanay ko kahahanap sa pinsan ko na hindi pa umuuwi ng bahay. Pinapagalitan ko na nga e, worry ng worry. Later that day, nalaman kong nakauwi na ang pinsan ko sa bahay at ayos na din ang nanay ko (haaaay!). Siyempre pa, long weekend kaya naman pumunta kami sa Lotus Mall para…ooops, secret! Basta! SM Bacoor, after. Watched Black Hawk Down with the boys.

Okey lang ang Sunday ko, sinisimulan ng gawin ang kabilang bahay nila Irvin kaya hapon na nya ako nahatid sa amin. Doon ako matutulog.

Home is where the heart is. Tama nga. Malungkot pa din ako, I doubt kung madali akong makaka-recover pero I wish I can be the same old me again.

Game 6, Ginebra ang nanalo kaya naman 3-3 na ang standing against Air 21. Ginebra fan ako, but my loyalty lies with Irvin, so Air 21 na din ako hehehe!

Alone again, naturally.

Monday is a holiday, in lieu of August 21, Ninoy Aquino's death anniversary. Dahil dito, naka-attend kami ng birthday party ni Goen sa Jollibee Noveleta. Yipee!




…I'm gonna dry my eyes, right after I get my one last cry…

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com