Tuesday, October 28, 2008

the weekend that was oct 25-26

Late na akong umuwi (ay early pala, early morning hehe) kaya inabot na ako ng 11 AM sa kama. (Oo, nakakahiya talaga ako!) Nag-lunch at umalis papuntang Naic, despedida ng pinsan kong balikbayan na si Dixon. Merienda ang hinabol namin, siyempre ngluto si Nanay ng pansit luglog. Namit! Dala ni Tatay ang tricycle kaya dumaan na lang kami kila Irvin to pick up our laundry. Sumama akong umuwi sa Salinas para dun matulog, magbasa ng libro, mag-internet at ang aking favorite - mamalantsa.

Linggo. Nagsilbing alarm clock na naman ang boses ng Tatay ko, sabay naglambing..."Ay nako, anak, soooorrrrrryyyyy..." Hehe! Okey lang naman sa 'kin, mas maaga akong nakapag-internet. Siyempre, chat with Ate. Sobrang tuwang-tuwa kami kay Lex, as in! Ipo-post ko na lang sa mga Lex Kulet moments nya. Siyempre, just in time dumating ang aking esposo...just in time for lunch. Maaga din kami umalis sa amin (how sad) dahil madami pa kami pupuntahan - SM Bacoor, Suzuki Center, Lotus Mall. Haaay.

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com