Monday, October 20, 2008

the weekend that was oct 11-12: overdue

Saturday is an unofficial workday for our team so nakakalungkot mang isipin, kailangang pumasok. Buti na lang libre ang breakfast (Chowking), lunch (North Park) and merienda (Yellow Cab), hindi na masyadong nakakalungkot. OO na! Pagkain lang ang katapat ko!

Sinundo ako ni Irvin at umuwi sa kanila at pumunta ng SM para mag-moral support sa bagong open na store ni Ate Sette - Bake and Churn! Friday nag-open 'yung store at dahil mahirap ang biyahe ng Friday, muntik na akong masarahan ng SM. Buti na lang, charming ako, pinapasok pa din ako ng guard (with an angelic face at paawa effect na line, "Manong, naiwan ko po 'yung cellphone ko sa isang stall sa baba!" which is not a lie dahil naiwan ko talaga). Siyempre suki na ako. At kahit 'yung tatay ko na maarte sa pagkain, sarap na sarap! So ano pah?! Text brigade sa friends for them to try it, a MUST-TRY item, really! (Wala po akong komisyon…) Inabot na kami ng closing ng SM, uwian na!

As expected, maaga kaming nagising dahil na naman sa bibig ng tatay ko (minsan gusto ko ding tinotoyo siya para sa saglit n katahimikan…ooops, be careful what you wish for). Happy naman, chat with Ate, lunch, plantsa, TV. Sinundo na din ako ni Irvin around 8. :)

Pahinga na, closing na naman e!

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com