Saturday, May 24, 2008

aray ko!

Today is my 4th day of rest. I've been on sick leave since Tuesday. Why? Haaay. Here's the story:

Lunes ng gabi. Magkikita kami ni Irvin sa SM Bacoor. Sa pagbaba ko ng van, sumabit 'yung takong ko sa kanan. Nagdiretso 'yung kaliwa, sumadsad at nasira ang sandals na suot ko. Naiwan 'yung katawan ko, habang nakababa na 'yung paa ko. Inayos ko ang sarili ko, arrrgh! Masakit, promise! Pilay ako, 'kala ko hindi ko kakayaning lumakad. Naisara ko pa ang van, matagal pa bago ito umalis. Pinag-isipan din siguro nung driver kung tutulungan ba nya ako. Hindi ko ikinilos ang paa ko, hinagilap muna ang cellphone. "Vin, nahulog ako sa van! Andito ko sa tapat ng SM, hindi ako makalakad." Dumating na si Clark Kent, tiningnan ang paa ko at ang kakayahan kong maglakad. "Kain muna tayo, gutom na ko." Haha! Pilay na ako nyan ha. Magkahalong awa at takot ang nakita ko kay Irvin, siniguradong malayo pa ang mga sasakyan bago tumawid. Uh-oh, halos kaladkarin ko na ang kaliwang paa ko para lang hindi makaramdam ng sakit. Pero masakit pa din. E at least, nakakain na ko. :P Magang-maga na ang paa ko pagkauwi namin. Nilagyan ni Irvin ng yelo. Pagkalipas ng mga isang oras, binuhat na nya ako para makapagpahinga. Oo, binuhat nya ako. At oo, kaya nya.

I spent the rest of the weekdays resting, chatting with Nanay, going out when needed, texting my officemates. My birthday plans did not push through because of my sprained ankle. :(

I have to rest, I need to rest. I have to join the team bonding in Pagudpod. The team will leave by 7 PM.

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com