Friday, May 9, 2008

me, myself and i

My blogs are way too serious for me, I noticed, as if I did not write them. Well, minsan lang naman ‘yan no (pagbigyan na).

I would introduce the “other side” of me with the 10 things about me, even some of my friends do not know. Trivia ito!


  1. Malalim ang etymology ng pangalan ko. EN represents my mother’s initial (Norma) and ELIE represents my father’s nickname.
  2. Tatlong beses akong nag-muse nu’ng elementary. Oo. Tatlong beses. Ako. Muse. I represented the beautiful countries of Peru twice and Cuba once. I was never crowned Ms. UN, though. (Alam ko, madami magre-react dito…OO, PAYAT AKO NOON.)
  3. Journalist ako nu’ng highschool at nakipag-compete ako sa mga press conference. I can still remember my winning piece “Ang Alaga Kong Tamagotchi.” Yes, usong-uso noon ang Tamagotchi, sobrang uso nya ipinagbawal ng DECS sa mga schools (DECS pa noon, di pa DepEd). The article put me in 3rd place in the division level. I am tempted to stop my story here, but anyway, ikukuwento ko na din ung nangyari nung regional level. I got mentally blocked, just upon knowing the topic. “Bakit Hindi Pambansa ang Ating Wika?” Aba, malay ko.
  4. Nagdyo-join ako sa mga oratorical contests - elementary, highschool at college. Madami pa kasi ang hindi nakakapansin na sa declamation ang calling ko, hehe.
  5. Isa sa mga pangarap ko ang mag-shopping ng hindi tumitingin sa tag price, ung kuha lang ng kuha sa mga istante.
  6. Ang karaniwang laman ng bag ko ay: payong, wallet at coin purse, ballpen, salamin at suklay, hand sanitizer, B&BW lotion at cologne.
  7. Nag-e-enjoy ako ‘pag napapakinggan ko ang Tambalang Balasubas at Balahura. (Walang pakialaman.)
  8. Hindi ako marunong magluto. Willing sana akong matuto kaso wala namang panahon. (Huuuu, palusot pa!) Pero marunong akong kumain, ilan sa mga favorite ko ay ang luto ng nanay at tatay ko, ng nanay ni Irvin at ni Irvin.
  9. I used to be a Kapamilya, nakikipag-away pa ‘ko para sa Channel 2. Pero nag-mature na ako, hindi na ako nakikipag-away ngayon. Hindi na din ako solid Kapamilya, mga 50% na lang, ung remaining percentage is divided as follows: 45% Ka-cable at 5% Kapuso.
  10. Adik ako sa Pugad Baboy komiks, malaking porsyento ng kasiyahan ko sa buhay ang nakukuha ko dito (naks!). Nagsimula ang hilig ko dito nu’ng Grade 4 ako, nu’ng minsang magdala ung manliligaw ng ate ko na nag-aaral sa UP. Astig, kwela, makatotohanan. Hanggang ngayon, paulit-ulit ko pa itong binabasa at siyempre pa, natatawa pa din ako. Minsan na din akong nakipag-away para kay Pol Medina nu’ng sinabi ng isang friend ko, “Ayoko nyan, hindi naman nakakatawa ‘yan e!” Hiritan ko nga ng “Baka naman ‘di mo lang makuha…”

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com