Thursday, June 12, 2008

zzzz...

"Humihiwalay na ang subconcious mind ko sa katawan ko."

Ito ang isinulat ko sa post-it at ipinabasa ko sa team mate ko. Wala lang, commercial. Pangatlong araw na ng training ko, parang walang nagbabago simula nu'ng um-attend ako. Inaantok, sumasakit ang ulo (kakapigil makatulog), nasusuka (dahil masakit ang ulo). Tatlong linggo pa, haaay!

Kulang ako sa tulog, inaamin ko. Friday night (Saturday morning, actually), 4 hours lang ang itinulog ko. Saturday night, mga 7 hours, medyo mahaba-haba pero hindi pa din sapat para makabawi ako sa ilang araw na puyat. Sunday night, 4 hours ulit. Binuo ng trabaho, anniversary party ng MSSC at Tagaytay ang weekend ko. Masaya din naman, nakakapagod nga lang.

Holiday nu'ng Monday pero tuloy pa din ang training ko. Buti na lang, hinatid ako ng aking esposo, kinain ko na ang hiya ko at natulog ako sa biyahe. Lampas na ng Baclaran ng magising ako, pupungas-pungas. Pagdating sa klase, halos tukuran ko na lang ng toothpick ang mata ko.

Ayoko ng ganito. Gusto kong bumawi. Toxic ang training pero nakaka-relate ako. Magandang senyales na 'yun.

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com