Tuesday, July 15, 2008

e 83008

Totoo ba 'tong nabasa ko?!

http://www.pep.ph/news/18295/Eraserheads-to-reunite-for-one-night-only

Naaalala ko, highschool ako ng maging avid fan nila. Iba ang tunog. Iba ang itsura. Iba ang dating. Minsan ko na ding hinahangaan at minahal si Head Master Ely Buendia. Nagkalat ang "Eraserheads" at "Ely" sa notebook at diary ko. Songhits na naglalaman ng mga kanta nila ang kinahiligan ko, na hanggang ngayon nakatago pa kasama ng ilang highschool memorabilia ko. Hindi ako naniwalang pang-drug addict ang "Alapaap." Asaran to the max kami ng Tatay ko dahil mas okey daw ang Rivermaya.

Nagluksa din ako ng unti-unting naglaho ang career nila. Sayang.

Eraserheads to reunite for one night only. Sayang, isang gabi lang. At sayang, nasa Canada na ang Ate ko. Kung nandito siya, malamang magpapalibre 'yun sa 'kin para lang mapanood siya.

Sigurado ako, madaming mag-uuwian na OFW para mapanood sila. 'Yung mga nasa probinsiya, hindi malayong sumugod sa Manila.

Siyempre ako, magbubutas ng bulsa. Maglalaspag ng pera. One night lang, sayang naman ang once in a lifetime chance na balikan ang alaala ng bandang minsan kong minahal.

Wochooo, drama! Basta dapat mapanood ko 'to, got to get the best seat I can afford!

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com