Wednesday, July 23, 2008

minsan may isang adik

Sabi nila Mareng Merriam at Pareng Webster (haha gawa-gawa ko lang 'yung mare at pare, 'wag ka maniwala), addict, as a noun, means (1) someone who is addicted especially to a substance, or (2) a devotee. (O ha, ni-research ko pa 'yan. Palakpakan naman dyan!) Matagal na naman may salitang ganito pero parang ngayon lang nauso na maging bukambibig ng kahit sino. Sa ngayon, kahit sino masasabihan mo ng "Adik ka talaga!" o "You're some kinda' adik!" sa mga sosyal at nagpapa-cute. Tatawanan ka pa nila, "Adik ka din!"

Madaming nagsasabi, adik daw ako. Bakit kaya? Nanlilisik ba ang mga mata ko? Payat ba ako (uhurm, wish ko lang 'no!)? Hindi ba ako naliligo (hoy, naliligo ako no!)? Kung devotee ako, devotee ako ng ano? Ng sino?

Aaaah, kasi para akong bangag, high, bakla, hyper, makutata, ma-punchline, malikot, makulit, magulo. 'Yan na nga 'ata ang bagong synonyms ng adik, hindi lang updated sila Mare at Pare.

Dati na akong ganyan, bata pa lang daw, may senyales na ako ng pagiging artistahin (ehem, ehem). Sabi ng Ate ko, nagkukunwari siyang namatay, inilawit ang ulo sa kama with matching labas ng dila, umiyak na ako. Entertainer ang dating ko kapag kumakanta ng "Sayang na Sayang" at "Supersonic" with dance number pa. Nabato ko na ng bolpen ang Ate ko ng minsang sawayin nya ko sa sobrang kadaldalan ko. At ngayon, iyakin pa din ako, entertainer paminsan-minsan, umaandar pa din ang bunganga sa walang habas na kuwentuhan.

Bakit nga ba ako ganito? (In-analyze talaga…) Kwela ang pamilya ko, lalo na ang Tatay ko. Kaya first and foremost, masasabi kong "It runs in the blood." Kahit mga kapatid nya, puro my toyo kaya hindi magkasundo. Siguro kung magre-reunion sila, pinaghalong circus at malaking comedy bar ang itsura. Pangalawa, masaya ang childhood ko. Hindi kami mayaman, oo. Bata pa lang alam ko na hindi pera ang nagpapasaya sa lahat (pero nung tumanda na 'ko, parang nag-iiba na ang pananaw ko hehe). Masaya na ako habang naglalaro sa ilalim ng araw ng patintero (bandisa ang tawag sa amin), taguan, habulan (a.k.a. haragan) at kung anu-ano pang improvised games na nilikha na lang out of boredom. Excited ako kapag dumidilim ang langit, ibig sabihin nito ay oras na para maligo sa ulan. Pampaalis ng bungang-araw. Kaya minsan naaawa ako sa mga batang walang pagkakataon maglaro o 'yung mga bata pa lang puro kaaway na. Minsan lang dumating ang kabataan, hindi pa susulitin. Di ba? Siyempre factor din si Bob Ong at Pol Medina sa paghubog ng pagkatao ko, marami-rami din akong natutunang kalokohan sa kanila. At eto pa, nang minsang ni-revise ko ang script ng play namin nung high school kung saan ako din ang bida, bumaba ang grade ng group namin. At ang comment ni titser, "Masyadong nakakatawa…"

Minsan, parang pakiramdam ko pumapapel ako masyado. May naiinis kaya sa akin? Minsan, parang nagmamaganda at nagmamarunong ako. Feeling kaya nila kulang ako sa pansin?

E pero ganito talaga ako. (Ang mainis sa akin at magsabing kulang ako sa pansin, bawal tumawa.)

Nakaka-high ang tumawa. Pero mas happy kapag nagpapasaya ka ng iba.

Ako ay adik. Proud to be one.

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com